Siya ang napakagandang kargador na kumikita ng malaking halaga sa kanyang napiling trabaho

Isang babae ang kilala sa kanyang gandang tinataglay na nagtatrabaho bilang full time transporter na kung saan naging usap-usapan sya online noong taong 2017, salamat sa maganda nyang mukha at malakas na pangangatawan.

Image courtesy: Youtube/TVB(Screenshot)




Mga litrato ng 31 taong gulang na si Zhua Qianpei na may bitbit na mga mabibigat na gamit na kanyang ididilever ang kumalat online.

Sa unang tingin, napapagkamalan siya ng karamihan na isang sikat na aktres dahil sa kanyang ganda pero si Qianpei ay isang transporter ng mga gamit sa kanilang lugar sa isang shop alley sa Hong Kong.

Image courtesy: Youtube/TVB(Screenshot)

Noong naging trending ang ibang litrato ni Qianpei noong taong 2017, marami ang lumalapit sa kanya at nagtatanong kung pwedeng makipag selfie sa kanya.

Image courtesy: Youtube/TVB(Screenshot)

Naninirahan ngayon si Qianpei mag-isa sa Hong Kong at ang kanyang ama ay naninirahan sa China samantalang ang kanyang ina naman ay nasa Taiwan.

Image courtesy: Youtube/TVB(Screenshot)




Ayon sa Dimsum Daily, Halos dekada na daw nagtatrabaho si Qianpei bilang isang transporter. Mahirap para sa kanya ang trabaho para sa babaeng katulad niya.

Gayunpaman, sinasabi niya naman na nag-eenjoy siya sa trabaho niya sa pagiging transporter na kung saan masaya siya sa marangal na trabaho na meron siya.

Image courtesy: Youtube/TVB(Screenshot)

Sa isang interview sa kanya ng Apple Daily (Hong Kong), sabi niya rito “I’m the happiest when I’m delivering stuff.”

“I feel free, and there’s no office politics. The pay is rather good too. It’s enough for myself.”

Kadalasan, ang isang trasporter sa HongKong ay kumikita ng mahigit HKD13,000 hanggang HKD14,000 (US$1658 – US$1785). Naka depende sa bigat na kanilang binibitbit ang kanilang pag increase sa sahod.

Image courtesy: Youtube/TVB(Screenshot)

Kahit na medyo nakakapagaod ang trabaho ng pagiging transporter, sinasabi naman ni Qianpei na imbis na isipin na trabaho ang ginagawa niya, tinitingnan niya na lamang ito bilang kanyang ‘work out’.

“I look at it as exercising and training my body. But the job can get stressful at times when I have to rush to various locations and when customers tell me to hurry up and deliver the goods quickly.”

Image courtesy: Youtube/TVB(Screenshot)

Alam ni Qianpei sa sarili na hindi niya kayang magtagal sa ganitong klaseng trabaho habambuhay. Kaya naman, nag paplano ang Hong Kong na kumuha ng heavy duty truck para sa pang madaliang trabaho.




Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *