Maraming kalamangan o benepisyo ang pagiging isang atleta, bukod sa ang pangagatawan ng mga ito ay malusog at malakas, nagagamit din ito upang maging iskolar sa paaralan o ang tinatawag rin na varsity player.

Kung suswertehin ay maaari pa sila makapaglaro bilang isang propesyonal na atleta pagkatapos ng kolehiyo at maging isang ganap na propesyon.
Nakakatuwa ang mga bata na sa kanilang murang edad ay makikitaan mo na ng talento sa kanilang napili na sports. Tulad na lamang ng anak ni Judy Anne Santos at Ryan Agoncillo na si Lucho.
Si Lucho Agoncillo ay makikitaan mo na ng kagalingan sa paglalaro ng Football o Soccer. Lubos na kinahiligan ito ng bata kung kaya’t ganoon na rin katodo ang suporta ng kanyang ama na si Ryan Agoncillo.
Ayon sa komento ni Jericho Rosales na isa ring Atleta at may kaalaman sa sports na nilalaro ni Lucho, ang bata raw ay makikitaan na ng magandang porma sa paglalaro o “Good Form” na tinatawag na ibig sabihin ay magaling at maporma na maglaro.

Kamakailan lamang ay ipinagdiwang ni Lucho ang kanyang ika-pitong kaarawan. Ang kasiyahan na ginanap sa kanyang kaarawan ay mayroong tema kaugnay ang Football at mayroon rin itong napakalaking Soccer Cake.
Ayon sa kanyang ina na si Judy Anne Santos-Agoncillo, ipinagdiwang nila ang simpleng kaarawan ng anak kasama ang mga malalapit na kaibigan ni Lucho at pamilya. Talagang sinisinta ni Lucho ang larong football dahil ang kanyang kahilingan ay Soccer Themed Party pa din sa kanyang sunod na kaarawan.
Ibinahagi rin ni Ryan Agoncillo kung gaano niya ipinagmamalaki ang anak bukod pa sa hilig at galing nito sa Soccer ay binanggit niya rin ang iba pang katangian ng anak na kung saan nagdudulot sa kanya na mas maging proud-daddy pa.
Ayon kay Ryan ay sobrang humanga siya kay Lucho dahil sa kung paano nito hawakan ang emosyon at maging isang maginoong bata at sport lang sa lahat ng kanyang laban manalo man o matalo.
Ipinagmamalaki ni Ryan si Lucho dahil sa kung paano nito tanggapin ang pagkatalo sa isang laro.

Nakakatuwa ang klase ng pagpapalaki ng Agoncillo Parents sa kanilang anak, lumaki siyang mabuti at maunawain. Isang malaking bonus na lang talaga ang pagiging gwapo ng batang ito.