Si Zsa Zsa Padilla ay isa mga kilalang personalidad sa ating lipunan at talaga namang hindi maipagkakaila na malaki ang naging papel niya sa industriya ng show business partikular na sa musikang Pilipino. Nag-umpisa siyang sumikat noong 1978 at hanggang sa kasalukuyan ay aktibo pa rin sa pagkanta.

Maliban dito ay abala rin siya sa paggawa ng mga commercials at TV guestings. Ngunit alam niyo ba na isa rin sa mga pinagkakaabalahan ngayon ni Zsa Zsa ay ang pagsasaayos ng kaniyang sariling farm?
Ayon sa kaniyang Instagram post, matatagpuan ang nasabing farm sa Lucban, Quezon Province at pinangalanan niya itong Ezperanza Farm na hango na rin sa tunay niyang pangalan. Kasama niya ang fiancé na si Conrad Onglao sa pamamahala ng lugar pati na rin sa mga plano nilang gawin upang mas lalo pa itong mapaganda.
“I first went there nung nam@tay yung sister-in-law ni Conrad so nagpunta kami ng lamay and then libing. Sabi ko, ‘Ang ganda dito. It’s so green and lush. Because it rains a lot (laughs).’ Ang summer sa Lucban is only one month”, kwento ni Zsa Zsa.
Ang pagkakaroon ng sariling farm ay isa sa mga matagal ng gustong gawin ng singer kaya naman masayang-masaya siya dahil sa wakas ay naisakatuparan na rin ito matapos ang napakahabang panahon ma paghihintay.

Sa katunayan, kitang-kita sa kaniyang mga Instagram post na maaga pa itong namimitas ng mga preskong gulay sa kanilang farm habang nakasuot ng bota at dyaket na aakalain mong isa nga siyang tunay na magbubukid.
Maliban sa mga gulay at halaman na matatagpuan sa Pilipinas ay nagtanim din sina Zsa Zsa ng mga halaman mula sa ibang bansa upang masubukan kung mabubuhay nga ba ito sa ating bansa. Sa kabutihang palad ay namumulaklak na ang mga imported na tanim nila kagaya ng bulalak na Amarillos at Japan bulbs.
Plano rin nina Zsa Zsa at Conrad na maglagay ng mga kubo sa loob ng kanilang lupain nang sa ganoon ay mayroong matutuluyan ang kanilang mga kaibigan at pamilya sakaling maisipan ng mga ito na bumisita sa farm at maranasan ang buhay sa probinsiya.

Parami na nga ng parami ang mga personalidad sa show business na nahuhumaling sa simpleng pamumuhay at pagtatanim ng presko at masustansiyang pagkain. Kahit sino naman siguro ay mas gugustuhin mamuhay ng payak sa probinsiya.