Kuya Kim Atienza, Proud na Proud sa kaniyang anak na lalaki na isa na ngayong Piloto

Sa kaniyang mga ibinahaging larawan sa Instagram account ay makikita ang walang humpay niyang ngiti habang pinagmamasdan ang anak na nagmamaneho ng eroplano habang siya naman ay nakasakay dito. Noon ay kasama rin ng kaniyang anak ang isang mataas na opisyal ng eroplano sa front-seat habang namamasyal sila sa himpapawid.

Image courtesy: Kuya Kim Atienza/Instagram

“First flight with Jose as my pilot. Mama and I shall forever be the wind beneath your wings son!,” proud na pagbabahagi ni Kuya Kim.

Ang tinutukoy ni Kuya Kim na anak ay walang iba kundi ang panganay na si Jose III Hung Atienza. Sa kasalukuyan ay Grade 12 pa lang ang anak ni Kuya Kim pero isa na itong lisensiyadong piloto sa edad na 17-taong gulang.

Bata pa lamang ay pangarap na talaga ni Jose na maging isang piloto at sa katunayan ay mayroon pa siyang koleksyon ng laruang eroplano na kaniyang ipinakita sa kaniyang social media post.

Para maabot ang kaniyang pangarap ay nagsumikap sa pag-aaral ang binata at nagsanay siya para maging isang ganap na piloto sa ilalim ng Leading Edge Aviation Academy na matatagpuan sa San Fernando City, La Union.

Image courtesy: Kuya Kim Atienza/Instagram

Dahil nga sa ipinakita niyang dedikasyon at galing sa mga pagsasanay na kaniyang pinagdaanan ay nagawa niyang makapagpalipad ng eroplano ng mag-isa. Kaya naman, nitong taon lamang ay tuluyan na niyang nakuha ang kaniyang lisensiya bilang isang piloto kung saan naging proud naman ang kaniyang Ama.

Bilang isang magulang at ama sa kaniyang anak na lalaki, hindi mapigil ang ligaya na nadarama ni Kuya Kim dahil naabot kaagad ni Jose ang pangarap nito sa kabila ng kaniyang murang edad.

Pinayuhan niya rin ang anak na huwag makakalimot sa Maykapal na siyang maylikha ng lahat pati ng malawak na kalangitan na kaniyang nililiparan.

“Always remember THE pilot, the source of all, as you fly His great skies! I love you dear dear son! Praise

Talaga namang hindi batayan ang edad sa pag-abot ng ating mga pangarap kundi tamang pagpaplano at dedikasyonang kailangan para ito ay maisakatuparan. Kagaya ni Jose na nasa murang edad pa lamang ay ipinakita nito na kung gugustuhin na maabot ang pangarap ay maaabot mo ito kung ikaw ay nagsusumikap para rito



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *