Ang tanging nais ni Judy Anne para sa kanyang mga anak ay matutunan lamang ang simpleng pamumuhay

Kahit na abalang-abala si Judy Ann Santos sa kaniyang negosyo at buhay bilang isang aktres sa Show business, hindi pa rin niya nakakalimutan na maging hands-on at full time mom sa kaniyang tatlong anak na sina Lucho, Luna at Yohan.

Image Courtesy: Instagram/officialjuday



Madalas makita sa kaniyang Instagram account ang mga litrato kasama ang mga anak at kung paano niya ito turuan ng simpleng pamumuhay upang maranasan nila ang masayang kabataan.

Image Courtesy: Instagram/officialjuday

May ilang larawan na ibinahagi ang aktres na masayang pinapayagan ni Juday ang kaniyang mga anak na maglaro sa putik at maligo sa ulan kung saan enjoy na enjoy naman ang mga bata sa ganitong experience.

Image Courtesy: Instagram/officialjuday

Sa kaniyang ibang posts, mapapansin din na tinuturuan ng mag-asawa ang mga bata na mamingwit ng mga isda at tumulong sa gawaing bahay tulad ng pag-decorate ng Christmas Tree, samahan ang kanilang mommy na magluto at mag grocery shopping.

Image Courtesy: Instagram/officialjuday



Image Courtesy: Instagram/officialjuday

Kahit nakamit na ni Judy Ann at Ryan Agoncillo ang kanilang mga pangarap bilang mga aktres at aktor sa industriya, nais pa rin nilang magkaroon ng simpleng pamumuhay kasama ang mga anak kung saan makikita na simple lamang ang kanilang bonding time na kakain sa labas o magbabakasyon sa isang lugar.

Sa araw ng kaarawan ni Lucho, ibinahagi ni Judy Ann ang simpleng hiling ng kaniyang anak sa kaniyang kaarawan. Ito ay ang magkaroon lamang ng simpleng handa na fried chicken at ang paboritong luto ng kaniyang mommy Juday na Truffle pasta.

Image Courtesy: Instagram/officialjuday

“When i asked what he wanted for his bday dinner he just said ‘just fried chicken and your truffle pasta mom!’ Wish granted for our simple, loving boy. Happy Birthday my love,” caption ni Judy Ann sa kaniyang Instagram post.

Marami ang na-touch sa hiling ni Lucho para sa kaniyang kaarawan dahil ayon sa iba ay naka simple lamang nito at tila ba mayroon itong napakabuting puso kung saan napalaki ng husto ng mag-asawa ang kanilang mga anak.

Image Courtesy: Instagram/officialjuday

Si Judy Ann Santos ang isa sa pinaka succesful na aktres sa industriya dahil simula sa kaniyang kabataan ay sikat na siya at kumikita na. Subalit siya rin ang isa mga aktres na may busilak ang puso at mas pinipili ang ka-simplehan kaysa sa kasosyalan dahil ito ang kaniyang ugali.

Image Courtesy: Instagram/officialjuday

Ang paghugas ng mga plato sa kaniyang negosyo, ang pag sakay ng tricycle kasama si Luna, ang pagluto ng masarap na pagkain para sa kaniyang pamilya at marami pang iba ay ang isang katangian ni Judy Ann Santos na hinahanggan ng karamihan.

Kaya naman hindi mapagkakaila na isa si Judy Ann sa pinakapaboritong aktres sa showbiz dahil sa kaniyang simple life. Nawa’y lumaking mabubuting puso ang kaniyang mga anak at matutunan nila ang magandang asal at simpleng pamumuhay na itinuturo ng kanilang mommy Juday.



Leave a Reply

Your email address will not be published.