Ibinahagi ni Kiray Celis ang ilang mga litrato kasama ang panibagong pag-ibig

Tulad ng ilang mga Filipino celebrities, mayroon silang kanya-kanyang mga post na ibinabahagi sa social media na kasama ang kani-kanilang mga kasintahan at iniibig.

Image courtesy: Kiray Celis/Instagram



Sinasamahan nila ito ng mga malalambing na mensahe na nagpapakita kung gaano sila kaproud na ipakilala sa madla ang kanilang minamahal. Isa na rito ay si Kiray Celis na kamakailan lamang ay pinapasulyap niya sa kanyang mga followers ang kanyang bagong iniibig.

Ibinahagi ni Kiray sa kanyang IG account ang ilang mga litrato kasa-kasama ang isang napakagwapong lalaki na may kasamang mga sweet na mensahe tungkol sa pag-ibig at pagmamahal sa isang tao.

Ayon pa kay Kiray, ay mas importante ang magandang kalidad ng relasyon sa isang tao kumpara sa haba o tagal ng isang relasyon. Ibinahagi niya rin kung gaano siya kasaya at nasosorpresa sa mga hindi inaasahang biyaya na dumadating sa kanyang buhay.

Marami sa mga kaibigan at taga-hanga ni Kiray ang masayang-masaya para sa lahat ng kanyang natatamo at nakukuha na biyaya sa buhay ngayon. Patunay lamang na kung mabuti kang tao ay mas madami ang babalik na blessings sa iyo.

Ayon sa isang post ni Kiray na naghahayag ng isang magandang mensahe,

Image courtesy: Kiray Celis/Instagram



“You can be in a relationship for two years and feel nothing. Maaari ka rin maging in a relationship sa loob ng dalawang buwan at mararamdaman mo ang lahat ng kasiyahan. Time is not a measure of quality, of infatuation or of love.” Ito ang kanyang paghahayag sa IG.

Dagdag pa ni Kiray sa isa pang post na kasama niya sa litrato ang isang napakagwapong lalaki,

“Gaano mo man kagusto na maging planado ang lahat sa iyong buhay, it has a way of surprising you with unexpected things na mas magbibigay sa iyo ng kasiyahan kumpara sa iyong mga plano noong una. Goodmorning.”

Tunay nga na talagang malayo na ang narating ni Kiray simula nang kanyang pagkabata na pag-aartista. Naabot niya ang lahat ng mayroon siya nang dahil na rin sa kanyang paghihirap, tiyaga, at dedikasyon sa kanyang trabaho.



Leave a Reply

Your email address will not be published.