Ang ate ni Joshua Garcia ay nagtataglay din ng mala-artistahin na kagandahan

Sumikat si Joshua Garcia simula ng sumali siya sa isang reality show ng Kapamilya network na Pinoy Big Brother. Isa si Joshua sa mga naging housemate ni kuya at hindi man naging big winner ay naging matagumpay naman ang kanyang show business career sa kasalukuyan.

Image courtesy: @rensamaeg/Instagram



Sa katunayan napakarami na din niyang naging project sa industriya ng showbiz at ngayon ay kinakikiligan ng marami ang love team niya kasama si Julia Baretto.

Sa lahat ng tagumpay na ito ni Joshua ay may isang tao maliban sa kanyang mga magulang ang walang sawang sumusuporta sa kanya simula palang ng araw na pumasok siya sa PBB at ito ay walang iba kundi ang ate niya na si Lorenza Mae.

Kagaya ng aktor ay may charming personality din ang kanyang ate at sinasabi ng karamihan na pwede itong mag-artista. Sa kabila ng pagiging sikat ni Joshua ay lagi pa din siyang naglalaan ng panahon at oras para sa kanyang pamilya at mga mahal sa buhay.

Image courtesy: @rensamaeg/Instagram



Samantala ang ate niya naman ay walang sawa sa pagsama at pagsuporta sa aktor sa lahat ng mga proyekto nito at lagi siyang makikita sa back stage na hands-on sa pagtulong sa kanyang kapatid.

Maliban sa pagiging ‘stage sister’ ay isang ina na din si Lorenza sa kanyang anak na si Skyler. Nagtatrabaho din siya bilang tech dermatologist sa isang skin cosmetic clinic. Sinubukan naming alamin ang iba pang bagay tungkol sa kanyang buhay ngunit naka private ang kanyang Instagram account.

Image courtesy: @rensamaeg/Instagram

Si Lorenza na isa ding aktibong miyembro ng fanbase ni Joshua ay nagkaroon na din ng pagkakataon na makita at makausap sa personal ang aktres na si Julia Baretto.

Suportado niya si Joshua sa kasalukuyang relasyon nito sa aktres at natutuwa siyang makita na masaya ang kapatid niya sa tuwing kasama si Julia.

Image courtesy: @rensamaeg/Instagram

Samatala si Joshua ay patuloy na nagiging matagumpay sa kanyang showbiz career at mga commercials dahil na din sa walang sawang suporta sa kanya ng kanyang pamilya, kaibigan at mga fans na patuloy naniniwala sa kanyang kakayanan sa pag-arte.



Leave a Reply

Your email address will not be published.