Si Sylvia Sanchez ay nag-umpisa sa kaniyang karera bilang artista noong dekada ’80 at hanggang sa kasalukuyan ay aktibo pa rin siya sa show business at patuloy na pinapahanga ang mga tao sa kaniyang galing sa pag-arte.

Lubos na nagpapasalamat si Sylvia sa Maykapal sa mga oportunidad at proyekto na ipinapaubaya sa kanya dahil natupad na naman ang layunin niya bilang artista na makagawa ng mga palabas na kapupulutan ng aral ng mga manonood.

“Sinabi ko talaga sa Diyos, ‘Thank you. Basta bigyan Mo lang ako ng role na makakapagbigay ng leksyon, ng aral sa lahat ng tao.”, paghayag ng aktres.
Samantala, kagaya ni Luzviminda, sa likod ng camera ay isa ring huwarang ina si Sylvia sa kaniyang apat na anak sa asawang si Arturo Atayde. Kitang-kita sa kaniyang mga anak kung paano sila napalaki at nadisiplina ng maayos ng kanilang mga magulang lalong-lalo na ng kanilang ina.


Sa katunayan, dalawa nga sa anak ni Sylvia ay sumunod sa kaniyang yapak sa show business at kasalakuyang mga artista na din. Sila ay sina Arjo at Ria Atayde na madalas mapanood sa iba’t ibang pelikula at palabas. Ang dalawang nakababatang anak naman na sina Gela at Xavi ay abala pa sa kanilang pag-aaral at malayo ang interes sa pag-aartista.

Masaya si Sylvia sa mga natutupad na pangarap ng kaniyang mga anak lalo na at maganda ang balitang naririnig niya sa mga nakakatrabaho nina Arjo at Ria.


Nang tanungin naman si Sylvia kung papaano niya napapanatiling masaya at matatag ang kaniyang relasyon sa asawang si Arturo ay narito ang kaniyang naging pahayag:

“Naglalambing pa rin ako. Nagbu-bullyhan kami sa lahat ng oras. Meron pa rin kaming bully-han, pikunan, inisan. ‘Yung para pa rin kaming mga bata, mga teenager.”
Isa pa sa mga sikreto kung bakit nagtatagal ang relasyon ng mag-asawa ay dahil inaayos kaagad nila ang kanilang hindi pagkakaunawaan at sinisigurong hindi na magtatagal pa ang kanilang alitan.

“Ang ginagawa namin…lagi [naming] sinasabi na ayusin natin. Ako, lagi kong sinasabi ko sa asawa ko na, ‘Ako, I want to grow old with you.”
Tunay ngang walang suliranin na hindi kayang masolusyunan ng dalawang taong nagmamahalan at nagtutulungan.