Team Kramer tinupad ang DREAM HOUSE ng kanilang pinakamamahal na Yaya Joy

Wala na siguro rito sa Pilipinas ang hindi nakakakilala sa isa sa mga sikat na pamilya dito sa atin na tinawag na “Team Kramer”. Ito ay kinabibilangan ng mag-asawang Doug at Cheska at ng kanilang tatlong anak na sina Kendra, Scarlett at Gavin.

Si Doug ay isang PBA player at si Cheska naman ay isang artista at modelo kaya naman nang sila ay magkaroon na ng mga anak ay hindi na kataka-takang pati ang kanilang mga anghel ay sumikat.

Image Courtesy: Youtube/TeamKramer



Sa ngayon ay kilala ang mga ito sa iba’t-ibang social media accounts at mayroon rin silang Youtube channel kung saan ibinabahagi nila ang kanilang buhay sa kanilang mga followers. Mayroon ring mga endorsements ang pamilya at makikita ang mga ito sa mga palatastas sa telebisyon.

Nito lamang ay ibinahagi nila ang kanilang naipundar na dream house na na talaga namang napakalaki kung saan tanaw ang magandang view sa kanilang balcony.

Dahil na rin sa pagiging busy ng mga bata, mayroong isang Yaya Joy ang mga ito na nag-aalaga sa kanila at nag aasikaso araw-araw.

Image Courtesy: Youtube/TeamKramer

Ayon sa mag-asawang Doug at Cheska ay apat na taon na sa kanila si Yaya Joy at talaga namang mahal na mahal ito ng kanilang mga anak.

Image Courtesy: Youtube/TeamKramer

Mula raw noong magsimula itong magtrabaho para sa kanilang pamilya ay nag-iipon na ito para mapagawa ang tagpi-tagpi nilang bahay sa probinsya kung saan nakatira ang naiwan nitong ina at anak, ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin sapat ang pera nito upang maipagawa ang tahanan nila. 

Image Courtesy: Youtube/TeamKramer
Image Courtesy: Youtube/TeamKramer



Nitong nakaraang Holiday season ay nag-collaborate ang Team Kramer at Netflix Philippines upang tuparin ang pangarap ni Yaya Joy at ilan pang espesyal na mga tao sa buhay ng pamilya.

Image Courtesy: Youtube/TeamKramer
Image Courtesy: Youtube/TeamKramer
Image Courtesy: Youtube/TeamKramer

Sa kanilang tulong ay sa wakas ay naipagawa na ang dream house ng butihing Yaya at ngayon ay may maayos ng matutuluyan ang ina nito at anak.

Image Courtesy: Youtube/TeamKramer
Image Courtesy: Youtube/TeamKramer

Nang araw na ipinakita ng mga ito ang bagong bahay ng kanilang Yaya Joy ay mababakas ang lubos-lubos na kagalakan sa mukha nito.

Image Courtesy: Youtube/TeamKramer
Image Courtesy: Youtube/TeamKramer
Image Courtesy: Youtube/TeamKramer

Mula ngayon ay kuntento na ito at kampante na maayos ang kalagayan ng pamilya nitong naiwan sa probinsya habang siya ay nagta-trabaho sa malayo dahil mayroon na silang tahanan na alam niyang sakaniyang pamilya.



Leave a Reply

Your email address will not be published.