Hands On sa pag-aalaga si JC De Vera sa kaniyang anak habang todo kayod sa kanyang trabaho

Napakalayo ng buhay single sa buhay pamilyado; marami ang kailangang isipin at mag-iiba na rin ang mga bagay na kailangang unahin. Sa lahat ng aspeto rin ay magkakaroon ng pagbabago lalong-lalo na sa pinansyal kaya naman importante ang matutunan ang paghawak ng pera upang may maipangastos para sa lahat ng pangangailan—hindi na lamang ng sarili kundi ng buong pamilya.

Ganito ang mga pagbabagong nararanasan ngayon ng 33 anyos na aktor na si JC de Vera. Mayroon na itong sariling pamilya kasama ang non-showbiz girlfriend nitong si Rikkah Cruz at ang anak nilang si Lana Athena, na isa’t kalahating taong gulang na.

Image Courtesy: Instagram/akosijcdeberat



Ayon sa aktor ay di hamak na mas seryoso na ito ngayon dahil na rin nadagdagan na ang responsibilidad nito. Nabawasan na rin ang mga bagay na noo’y pwede nitong gawin noong binata pa ito, dahil ngayon ay hindi na pwedeng puro sarili na lang niya ang kanyang iintindihin.

Image Courtesy: Instagram/akosijcdeberat

Ayon sa aktor, ang karamihan sa oras nitong libre ngayon ay inaalay niya para sa mag-ina niya. Pinagluluto niya ang mga ito, inaalagaan at ipinapasyal niya rin sila sa iba’t-ibang mga lugar.

Image Courtesy: Instagram/akosijcdeberat
Image Courtesy: Instagram/akosijcdeberat
Image Courtesy: Instagram/akosijcdeberat

Minsan na rin niyang isinama sa trabaho ang anak at mukhang napakabait na bata nito dahil nakinig itong nang sabihin ni JC na dapat behave lamang siya habang nagtatrabaho ang daddy nito.

Image Courtesy: Instagram/akosijcdeberat
Image Courtesy: Instagram/akosijcdeberat

Lalong sinisipagan si JC sa pagta-trabaho upang maibigay niya ang lahat ng pangangailangan ng kanyang pamilya.

Image Courtesy: Instagram/akosijcdeberat



July noong taong 2018 nang aminin ni JC na isa na itong ama kay Lana, bagay na ikinagulat ng publiko.

Image Courtesy: Instagram/akosijcdeberat
Image Courtesy: Instagram/akosijcdeberat
Image Courtesy: Instagram/akosijcdeberat

Noong nakaraang taon naman ay sinabi ng aktor na gusto na nitong lumagay sa tahimik kapag ang anak nila ay nakakapaglakad na, at nitong Nobyembre nga lang ay naging usap-usapan ang magkasintahan dahil sa litrato na ibinahagi ni JC sa kanyang Instagram account kung saan magkaharap sila sa isa’t-isa at kitang-kita ang singsing sa daliri ng nobya nito.

Image Courtesy: Instagram/akosijcdeberat

Tikom ang bibig ng aktor at hindi kinumpirma o itinanggi ang ano man, ngunit gayun pa man ay parang isang kumpirmasyon na rin ang litrato na ipinost ni Charisse Tinio ng Nice Print Photography, kasama ang magkasintahan, na may caption pa na nagsasaad na excited na ito sa kasal ng kanilang susunod na celebrity wedding.

Image Courtesy: Instagram/akosijcdeberat
Image Courtesy: Instagram/akosijcdeberat

Mukhang nalalapit na nga talaga ang kasal ng aktor at tuloy-tuloy na ang pagseseryoso nitong lalo sa buhay.



Leave a Reply

Your email address will not be published.