Ikinasal na ang aktres na si Valerie Concepcion sa kaniyang Long Distance Boyfriend

Masayang-masaya ang pagtatapos ng taong 2019 para sa Kapuso aktres na si Valerie Concepcion dahil naisakatuparan na rin sa wakas ang pangarap na maikasal sa taong mahal niya at lubusang nagmamahal sa kaniya.

Ang ma-swerteng lalaki na nakabihag ng kaniyang puso ay walang iba kundi si Francis Sunga, isang deputy marshall sa Supreme Court ng Guam.

Image Courtesy: Instagram/v_concepcion



Image Courtesy: Instagram/v_concepcion

Una silang nagkita ng aktres nang magbakasyon siya sa Pilipinas noong taong 2017 at dahil kaibigan ni Valerie ang pinsan nito ay mas lalo silang nagkaroon ng pagkakataon na makilala ang isa’t isa hanggang sa magkapalagayan na sila ng loob.

Sinubok kaagad ang kanilang relasyon nang kinailangan ng bumalik ni Francis sa Guam para magtrabaho ngunit makalipas nga ang isang taon ay sinorpresa niya ang aktres sa isang wedding proposal.

Image Courtesy: Instagram/v_concepcion
Image Courtesy: Instagram/v_concepcion

Kinumpirma ni Valerie ang balitang ito at masayang ibinahagi ang karanasan sa kaniyang Instagram account noong August 2018, isang buwan matapos ang kaniyang engagement.

Samantala, Septyembre ng taong 2019 unang napanood ng publiko ang ginawang save-the-date video ng aktres at talaga namang inabangan ng marami ang kaniyang garden wedding na ginanap sa The Hills na matatagpuan sa Silang, Cavite noong ika-28 ng Disyembre.

Image Courtesy: Instagram/v_concepcion

Dinaluhan ito ng ilan sa malalapit nilang pamilya at mga kaibigan.Naroon din sa nasabing pagdiriwang ang showbiz couples na sina Lara Quigaman at Marco Alcaraz pati na rin ang bagong kasal na sina Dianne Medina at Rodjun Cruz.

Image Courtesy: Instagram/v_concepcion
Image Courtesy: Instagram/v_concepcion

Kitang-kita rin sa mga larawang ibinahagi online ng Nice Print Photography ang abot-tengang ngiti ng aktres dahil sa lubos na kasiyahang nadarama niya sa kaniyang espesyal na araw kung saan kasama niya ang mga taong malapit sa kaniyang puso.

Matapos ang pag-iisang dibdib ng dalawa ay lumipad sila patungong Europa para sa kanilang tatlong linggong honeymoon at wala pang malinaw na pahayag kung saan sila maninirahan pagkatapos.

Image Courtesy: Instagram/v_concepcion
Image Courtesy: Instagram/v_concepcion



Ayon sa pahayag ng aktres isa lang ang gusto nilang mangyari bilang mag-asawa at iyon ay magkasama sila sa iisang bansa. Kaya naman, kung ipapagpatuloy ni Valerie ang kaniyang pag-aartista ay uuwi si Francis at sa Pilipinas na maninirahan. Ngunit nanghihinayang naman ang aktres sa trabaho ng kaniyang asawa kaya naman siya nalang siguro ang magpaparaya.

Image Courtesy: Instagram/v_concepcion

“Wala pa kaming final plans. Basta, he’s open to moving there. So, yun. Pero wala pa kaming final plans kung sino talaga yung magmu-move. Ok lang sa kanya na ipagpatuloy ko ang pag-aartista, pero gusto kasi niya, magkasama na kami, e. So, kung magpapatuloy raw ako ng pag-aartista, siya ang lilipat dito. Magbi-business siya or something, parang ganoon. Kaso nga, sayang din yung work niya doon diba? Sa government siya, sa Supreme Court. He’s a deputy marshall. So, sayang din naman yung career niya doon, kaya pwedeng ako ang mag-move doon, ” pahayag ng aktres sa press.

Ginanap ang kanilang napakagandang kasal sa The Hills at Silang noong December 12, 2019. Sa garden area ginanap ang misa ng kanilang kasal habang nakasuot ng blush pink na gowns ang kaniyang mga Bridesmaid.

Image Courtesy: Instagram/v_concepcion
Image Courtesy: Instagram/v_concepcion

Samantala, ang disenyo naman ng kaniyang wedding ay halos white flowers at white ensembles na kung saan nagmukhang malinis at elegante ang decorations.

Image Courtesy: Instagram/v_concepcion
Image Courtesy: Instagram/v_concepcion
Image Courtesy: Instagram/v_concepcion

8 days bago ang kaniyang kasalan ay nagkaroon din ito ng Bridal shower kasama ang kaniyang mga malalapit na tao sa kaniyang buhay kung saan ang kaniyang kapatid na babae ang nag-organized ng bridal shower.

Image Courtesy: Instagram/v_concepcion
Image Courtesy: Instagram/v_concepcion
Image Courtesy: Instagram/v_concepcion
Image Courtesy: Instagram/v_concepcion

Matapos ang kasal ay ibinahagi ni Valerie Concepcion ang pangyayari noong araw ng kaniyang wedding kung saan makikita na napakaganda rin ng disenyo ng kaniyang wedding reception. Best Wishes Valerie and Francis!

Image Courtesy: Instagram/v_concepcion
Image Courtesy: Instagram/v_concepcion
Image Courtesy: Instagram/v_concepcion

Talaga namang dadating at dadating din ang isang tao na handa kang iharap sa dambana ng Diyos at pangakuan ng habang-buhay na pagmamahal. Kagaya na lamang nina Valerie at Francis na hindi naging hadlang ang dati nilang relasyon at layo sa isa’t isa. Sa huli ay sila pa rin ang pinagtagpo ng tadhana.



Leave a Reply

Your email address will not be published.