Napaka-cute at adorable ng dalawang taong gulang na anak nina Kaye Abad at Paul Jake Castillo

Kaligayahan ng bawat mag-asawa ang mabiyayaan ng anak kaya naman nang dumating si Pio Joaquin sa buhay nina Paul Jake at Kaye Abad ay abot-langit ang kanilang pasasalamat at ipinangakong gagawin ang lahat para mabigyan ito ng masaya at magandang buhay.

Image Courtesy: Instagram/Kaye_abad



Sa katunayan ay huminto na muna sa pag-aartista ang dalawa at binigyang prayoridad ang lumalaki nilang pamilya kung saan ngayon ay nakatira sila sa Cebu, City.

Image Courtesy: Instagram/pauljake_castillo

Hindi man madalas na makita sa telebisyon ay hayagan namang ibinabahagi ni Kaye at Paul Jake ang ilang pangyayari sa kanilang buhay sa pamamagitan na rin ng social media.

Noon ngang December 22, 2017 ay nagdiwang ang mag-asawa hindi lamang dahil 33rd birthday ito ni Paul Jake kundi dahil ito rin ang araw ng kapanganakan ng anak nilang si Joaquin. Maliban dito, mas lalong naging espesyal ang buwan ng Disyembre para sa kanila lalo na at ito rin ang panahon kung kailan sila ikinasal noong taong 2016.

Image Courtesy: Instagram/Kaye_abad

Sa kasalukuyan ay dalawang taon na si Pio Joaquin at ipinagdiwang nila ang kaniyang kaarawan sa Cebu kasama ang kaniyang mga magulang at ilan pang malalapit na pamilya at kaibigan. Sa mga ibinahaging larawan ng kilalang photography studio na ‘Nice Print’ ay kitang-kita ang pagiging simple ngunit masaya ng nasabing pagdiriwang.

“Anniv weekend… more like a Joaquin weekend. Hahaha. love you!”, pagbabahagi ni Paul Jake sa Instagram account matapos ang celebrasyon ng kanilang wedding anniversary sa Plantation Bay Resort na matatagpuan din sa Cebu.

Image Courtesy: Instagram/Kaye_abad



Hands on ang dalawa sa pag-aalaga sa kanilang anak kung saan madalas din silang lumabas at mag bakasyon kasama ito. Subalit hindi pa rin naman nila nakakalimutan ang kani-kanilang hobbies katulad na lamang ang pagbibisikleta ni Paul Jake. Madalas pa rin itong mag bisikleta dahil noon pa man ay ito na ang kaniyang passion subalit huminto lamang ito nang nahirapan mabuntis si Kaye.

Image Courtesy: Instagram/pauljake_castillo

Sa ngayon ay malaking pasasalamat ng aktres na ibinigay ang isang napaka cute at healthy Pio sa kanilang buhay dahil mas lumigaya ang kanilang pamilya.

Image Courtesy: Instagram/Kaye_abad
Image Courtesy: Instagram/Kaye_abad
Image Courtesy: Instagram/Kaye_abad

Masayang-masaya nga talaga ang mag-asawa sa padating ni Pio sa buhay nila at ngayong lumalaki na ito ay hiling ni Kaye na sana ay masundan ito ng kapatid na babae.



Leave a Reply

Your email address will not be published.