Big Winner na si YamYam Gucong, nakapagpatayo na ng sarili niyang negosyo na bakeshop

Lubos na hinangaan ng mga Pilipino ang kwento ng buhay ni William “YamYam” Gucong pati na rin ang ipinakita niyang pag-uugali habang nasa loob ng bahay ni Kuya. Masasabi ring totoo ang pagkakaibigan na nahanap niya sa dayuhang si Fumiya Sankai na isang Japanese kaya naman hindi nakakapagtakang magustuhan siya ng mga tao at hirangin bilang PBB Ultim8 Big Winner 2019.

Image Courtesy: Instagram/gucongyamyam



Matapos nga ang nasabing parangal ay nakatanggap siya ng P2 million cash prize, P300,000 worth of vacation package, P800,000 worth of refilling station package, at isang brand new condominium unit!

Malaking tulong ito para maiahon niya ang pamilya sa kahirapan kaya naman abot-langit ang pasasalamat niya sa Maykapal at sa mga taong tumulong para makamit ang kaniyang mga pangarap.

” Thank you so much po sa inyo. Maraming, maraming salamat po dahil hindi po ako nag-iisa.Kasama ko po si Kuya, si God, at ‘yong pamilya ko, at kayong lahat,” pasasalamat ni YamYam.

Sa kasalukuyan ay malayong-malayo na ang kalagayan ng pamilya ni YamYam kumpara sa dating buhay na halos hindi makakain ng maayos sa loob ng isang araw.

Image Courtesy: Instagram/gucongyamyam

Sa pamamagitan ng mga natanggap na biyaya ay nagpatayo siya ng isang bakery sa Bohol at tinawag niya itong “Yamito’s Bakeshop” – Tinapay ng Big Winner.

Image Courtesy: Instagram/gucongyamyam

Good investment nga raw ang ginawa ni Yamyam sabi ng mga netizens dahil panghabang buhay na business ang kaniyang naipundar at hindi basta na lamang maglalaho ang kaniyang napanalunan.

Image Courtesy: Instagram/gucongyamyam



Naging inspirasyon nga si YamYam sa marami nating kababayan at sa muli ay pinatunayan niyang hindi hadlang ang kahirapan para maabot ang ating mga pangarap.

Samantala, maliban sa pagiging abala sa kaniyang mga negosyo at iba pang proyekto sa telebisyon kagaya na lamang ng “Home Sweetie Home: Extra Sweet” ay nais din niyang makabalik muli sa pag-aaral kung mabibigyan ng pagkakataon. Kinailangan niya kasing huminto noon para magtrabaho at makatulong sa mga gastusin ng pamilya.

Image Courtesy: Instagram/gucongyamyam

“Sana mag-aaral ako this year, pero maraming pumapasok na raket e, yung blessings. So kung babalansehin ko, parang mahirap siya. So siguro next school year, babanat, “pagbabahagi ni YamYam.

Sa ngayon ay patuloy na nagbibigay ng saya si YamYam hindi lamang sa kaniyang pamilya kundi pati na rin sa mga nanonood sa kaniyang mga palabas at mga taong natutulungan niyang magkaroon ng trabaho dahil sa kaniyang negosyo.

Mabuhay ka YamYam!



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *