Anak ni Gretchen Baretto, nagtapos bilang Magna cum laude sa California College

Ang napakagandang anak ni Gretchen Baretto na si Dominique Cojuangco ay nagkamit ng karangalan para sa kanyang sarili at sa kanyang pamilya. Ito ay dahil siya ay nakapagtapos ng kanyang kurso sa kolehiyo sa Califronia College. Mas naging espesyal ang kanyang pagtatapos dahil sa kabila ng paghihirap at pagtitiyaga ay nabigyan din siya ng parangal bilang isang cum laude.

Image courtesy: @Dominique/Instagram



Natapos ni Dominique ang kursong merchandising and marketing sa Fashion Institute of Design and Merchandising na puno ng parangal. Sa isang post naman ay kita ang larawan ng certificate na nakuha ni Dominique sa kanyang paaralan. Nilagyan ito ni Gretchen ng caption na, “My baby love”
Ipinagmaalaki ni Dominique ang kanyang tagumpay sa kanyang Instagram Stories. Sinabi niya dito na “Nahuli man ng 4 na taon, pero andito na ang aking ikalawang diploma.”

Siya ngayon ay nakatira sa San Francisco para magpatuloy parin sa pag-aaral at para na rin matapos ang kanyang internship. Nasasabi man ng ibang tao na kayang kaya ni Dominique mag aral sa mga mararangyang paaralan sa ibang bansa dahil narin sa yaman ng kanilang pamilya. Si Dominique ay anak ni Gretchen Baretto kay Tonyboy Cojuangco, isang sikat na negosyante at kabilang sa mayaman na pamilya Cojuangco.

Image courtesy: @Dominique/Instagram



Gayunpaman ay hinangaan parin siya ng nakararami dahil sa kanyang paghihirap sa pag-aaral at pagpupursige sa buhay. Siya ay isang babae na hindi umasa sa yaman ng kanilang pamilya, pinili niya na tahakin ang landas na hindi kagaya sa kanila.

Kamakailan lamang ay may isa na namang magandang balita ang nakarating sa pamilya Cojuangco dahil nakapagtapos na naman si Dominique sa kursong fashion design sa Istituto Marangoni sa London.

Pangarap talaga ni Dominique ang maging Fashion Designer kaya ginawa niya ang lahat upang makamit ito. Maging ang kanyang mga magulang at pamilya ay bumilib sa kanyang kakayahan at kasipagang ipinakita. Hindi man ito ang karaniwang tinatahak ng pamilya Cojuangco ay masaya sila sa piniling landas ni Dominique.



Leave a Reply

Your email address will not be published.