Kabilang sa kauna-unahang batch ng Kapuso Channel show na “Starstruck” si Yasmien Kurdi at dahil nga sa angkin niyang ganda at talento ay hindi nakakapagtakang napabilang siya sa “Final Four” ng Season 1.

Maliban sa pag-arte ay magaling din siyang kumanta at nagsusulat din ng sarili niyang mga awitin. Hanggang ngayon ay aktibo pa rin ang aktres sa mundo ng show business at patuloy na napapanood ng mga fans sa ilang palabas ng Kapuso network.

Samantala, mas lalo pa siyang nakilala ng kaniyang mga tagapaghanga dahil mayroon na din siyang sariling YouTube channel. Makikita sa kanilang Instagram post na happy family sina Yasmien lalo na noong naipatayo nila ang kanilang sariling bahay para sa anak na si Ayesha.
Masaya silang naninirahan sa kanilang bahay na kulay asul at ito ay isang surpresa ng mag-asawa sa kanilang unica hija.



Lubos na natuwa si Ayesha sa kulay at disenyo ng nasabing bahay at tinawag pa niya itong “Elsa’s house” dahil ang kulay nito ay kahawig sa palasyo ng paborito niyang disney princess movie na “Frozen”.



Matatagpuan ang dalawang palapag na bahay ng mga Soldevilla sa isang compound malapit sa Muntinlupa, City at lumipat sila dito noong taong 2018 matapos lisanin ang kanilang three-bedroom condo unit sa Taguig City.


Maliban sa gusto nilang tumira sa isang bahay na mayroong malawak na bakuran at mabubuting kapitbahay ay naging dahilan rin ng paglipat ng pamilya sa lugar ang trabaho ni Rey. Malapit kasi ito sa airport kung saan siya nagtatrabaho bilang isang piloto.

“We wanted it to be near the airport since my husband works for an airline. It is also accessible to the Skyway which goes straight to the airport,” pagkukwento ng aktres.

Samantala, hangga’t maari ay gusto ni Yasmien na maging “minimalist” lang ang kaniyang bahay at ayaw niya ng maraming gamit sa loob nito. Ang mahalaga kasi para sa kaniya ay ang mga masasayang alaala na mabubuo nila dito bilang isang pamilya. Narito nga ang naging sagot niya nang tanungin patungkol sa kaniyang dream house:

“It can be any house; whether it’s this house or the one we are having in the future. We want to create a happy home with beautiful childhood memories for our kids. That is our dream house.”

Talaga namang maganda na ang buhay ngayon ni Yasmien Kurdi na noon ay nangarap, naniwala at nagtagumpay sa kaniyang mga hangarin. “Dream, Believe, Survive”, ika nga nila sa “Starstruck”.