Ito ang Opisyal na House Tour ng bagong tayo na tahanan ng Jamill na tinaguriang ‘Ja Mansion’

Bagong bahay ng sikat na vlogger na Jamill, tara na at ikutin. Ito na ang pinakahihintay ng lahat, ang bagong gawang bahay na binansagang “Ja Mansion”, hango sa pangalan ng sikat na video blogger na JaMill.

Image courtesy: Jamill/youtube
Image courtesy: Jamill/youtube

Sa dami ng subscription at nakakatuwang mga video na ina-upload ng sikat na magkasintahan online at sa totoong buhay na sila Jayzam Manabat at Camille Trinidad ay hindi hamak na marami ang humahanga sa kanila at ginagawa silang inspirasyon sa kanilang buhay pag-ibig.

Image courtesy: Jamill/youtube
Image courtesy: Jamill/youtube

Dumaan din sila sa mga kontrobersya na sumubok sa kanilang pagsasama at vlog, ito ay nang minsan sila’y magsinungaling sa isa nilang video, ito ay ang kanilang bersyon ng 3 am challenge pero nahalata ang kanilang mga follower na alas-9 palang ng gabi ng umilaw ang cellphone ng kapatid ni Camille, makikita rito na alas-9 palang ng gabi.

Image courtesy: Jamill/youtube
Image courtesy: Jamill/youtube

Inako nila ang kanilang pagkakamali at patuloy na nag upload ng mga video. Gayunpaman ay naging daan ang mga kontrobersyang ito para sila ay maging matagumpay at kinikilala ngayon bilang isa sa mga highest paid na vlogger sa Pilipinas.

Image courtesy: Jamill/youtube
Image courtesy: Jamill/youtube
Image courtesy: Jamill/youtube

Sipag at sakripisyo ang kanilang puhunan sa kanilang tagumpay. At ngayon nga ay inaani na nila ang bunga ng kanilang paghihirap ng makapagpatayo na sila ng kanilang dream house.

Image courtesy: Jamill/youtube
Image courtesy: Jamill/youtube

Tinututukan nilang dalawa ang kanilang pagpapagawa, sinigurado nila na magkaroon ng personal touch ang bahay gaya ng design, color, materials, at furniture.

Image courtesy: Jamill/youtube
Image courtesy: Jamill/youtube

Ayon kay Grazel Solquillo, si Camille balang araw ay magiging isang mabuting asawa, alam niya ang nakabubuti para sa kanilang dalawa. Isa siyang biyaya para kay Jayzam at siguradong makakatuwang niya sa pagbuo ng masayang pamilya.

Image courtesy: Jamill/youtube

Ayon sa ilang komento ng mga netizens, nabanggit ni Pretty Amador na nagsisilbing inspirasyon ang dalawa sa maraming kabataan. Inihayag din ni Lester Toniza na hindi man siya fan ng dalawa ngunit sa nababasa niya sa social media ay proud siya sa narating ng JaMill.

Leave a Reply

Your email address will not be published.