Ito na ngayon ang buhay sa ibang bansa ng dating miyembro ng Street Boys na si Spencer Reyes

Naaalala niyo pa ba kung sino si Spencer Reyes? Kung batang 90’s ka ay siguradong kilala mo siya at madalas mo siyang napapanood na sumasayaw dahil miyembro siya ng kilalang grupo ng mga dancer na “Streetboys”.

Image Courtesy: Instagram/Pingreyes



Pinasok rin ni Spencer ang pag-arte at sa katunayan ay napasama pa siya sa mga bigating pelikula kasama ang batikang artista sa industriya ng show business. Ngunit sa kabila ng kaniyang talento ay dumating ang pagkakataon na napalitan siya ng mga bagong “talent” kaya naman unti-unti siyang nawala at tuluyan na ngang nilisan ang makinang na mundo ng isang artista.

Image Courtesy: Instagram/Pingreyes

Ganoon pa man ay hindi nawala ang pag-update niya sa kaniyang mga fans at sa pamamagitan nga ng kaniyang Instagram at YouTube accounts ay mas lalo pa siyang nakikilala ng mga ito. 

Sa kasalukuyan ay nasa United Kingdom (UK) na si Spencer at naninirahan siya doon kasama ang kaniyang non-showbiz na asawa at tatlong anak.

Image Courtesy: Instagram/Pingreyes
Image Courtesy: Instagram/Pingreyes




Nagkaroon siya noon ng pagkakataon na mangibang bansa nang makakuha siya ng Scottish Vocational Qualifications 2 in Professional Engineering pati na rin ng Scottish Credit and Qualifications Framework Level 5. Ito ang nagsilbing daan para magkaroon siya ng trabaho abroad at naisama niya rin ang buo niyang pamilya.

Image Courtesy: Instagram/Pingreyes

Ngunit alam niyo ba na kahit matagal nang hindi napapanood sa telebisyon si Spencer ay ipinagpapatuloy niya pa rin ang “passion” niya sa pagsasayaw?

Image Courtesy: Instagram/Pingreyes

Pinangunahan niya nga kasama ng dating miyembro ng Streetboys na si Michael Sesmundo ang isang charity event na ginanap sa Milan. Doon ay tinuruan nila ng sayaw ang umaabot sa 200 na mga bata na nagmula sa VIP Dance Academy.

Maliban dito ay madalas niya ring ibahagi sa kaniyang mga fans ang ilan sa mga work-out na ginagawa niya para mapanatiling malakas at maganda ang hubog ng kaniyang pangangatawan.

Image Courtesy: Instagram/Pingreyes
Image Courtesy: Instagram/Pingreyes

Talaga namang ibang-iba na ang buhay ngayon ni Spencer sa ibang bansa kasama ang kaniyang pamilya ngunit nakakatuwang isipin na hindi pa rin nawawala sa kaniya ang hilig sa pagsasayaw at kung may pagkakataon ay ibinabahagi niya pa ang talentong ito sa mga gustong matuto.

Image Courtesy: Instagram/Pingreyes
Image Courtesy: Instagram/Pingreyes

Mabuhay ka Spencer at nawa ay patuloy kang maging inspirasyon sa mga kabataan na nagnanais abutin ang kanilang mga pangarap sa pamamagitan ng pagsasayaw.



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *