Nathalie hart, hands-on sa pag aalaga sa kaniyang napakagandang baby girl

Kamakailan sa isang interview ay ibinahagi ng aktres na si Nathalie Hart ang kaniyang naging sitwasyon sa kaniyang Indian non-showbusiness partner na si Mayank Sharma, ang ama ng kaniyang baby girl na si Penelope.

Image Courtesy: Instagram/imnathaliehart



Matapang na ibinahagi ng aktres na tinapos na niya ang kanilang relasyon kay Mayank at maayos na sila ngayon ng kaniyang anak.

Taong 2018 ng nalaman ng publiko na ito ay buntis sa kaniyang non-showbusiness partner kung saan nagbabalak na rin silang magpakasal noon at manatili sa Pilipinas matapos manganak ang aktres. Subalit taong 2019 ay mismong si Nathalie ang nagbahagi na hindi nag-work out ang kanilang relasyon at nauwi na lamang ito sa hiwalayan.

Image Courtesy: Instagram/imnathaliehart

“We have separated our ways na. It’s okay”, Ito ang panayam ni Nathalie sa kaniyang interview.

Dagdag pa ng aktres ay hindi na raw sila masaya at mas mabuti na maghiwalay na lamang upang magkaroon ng happy environment ang kanilang baby daughter.

Image Courtesy: Instagram/imnathaliehart

Kaya sa kasalukuyan ay hands-on si Nathalie sa pag-aalaga sa kaniyang baby kung saan makikita sa kaniyang Instagram Account na masaya ito na siya mismo ang nag-aalaga kay Penelope.

Image Courtesy: Instagram/imnathaliehart



Image Courtesy: Instagram/imnathaliehart

Gaya ng kaniyang Mommy Nathalie, tila lumalaki na napakaganda ni Penelope na talaga namang makikita na nagmana ito sa kagandahan ng kaniyang Ina. Madalas din magtravel ang aktres kasama ang anak kung saan makikita na nagbabakasyon din sila sa probinsya at sa beach habang bantay-bantay nito ang anak.

Image Courtesy: Instagram/imnathaliehart
Image Courtesy: Instagram/imnathaliehart

“For me, I just want to put all my time for my daughter talaga. If there’s no communication in the relationship, parang nagsasayang lang kayo ng oras talaga”, pagbabahagi ng aktres.

Image Courtesy: Instagram/imnathaliehart

Gusto raw nito na respetuhin siya bilang isang partner at maging mabuti sa kaniyang anak subalit hindi ganoon ang nakikita ng aktres kay Mayank. Kaya naman minabuti na lamang na tapusin nito ang kanilang relasyon at mas settled na ito ngayon sa pagiging single parent sa kaniyang baby girl kung saan mas naaalagaan pa niya ito ng mabuti dahil alam niya sa kaniyang sarili na wala siyang aasahan na ibang tao upang mag-aruga dito.

Image Courtesy: Instagram/imnathaliehart

Kamakailan lamang ay pinaghandaan ni Nathalie ang binyag ni Baby Penelope kasabay na rin ng 1st Birthday Celebration nito. Isa sa mga dumalo sa celebrasyon ay sina Erich Gonzales, Cristine Reyes, Jake Cuenca at Kylie Verzosa.

Image Courtesy: Instagram/imnathaliehart
Image Courtesy: Instagram/imnathaliehart

Sa ngayon ay focus na lamang muna si Nathalie sa kaniyang baby at sa kaniyang career dahil mas gusto nitong maisaayos muna ang kaniyang buhay bago ito pumasok sa ano mang relasyon.

Image Courtesy: Instagram/imnathaliehart

We salute you Natahalie Hart sa pagiging matapang at responsableng Ina.



Leave a Reply

Your email address will not be published.