Kilalanin ang tatlong magagandang anak ni Sunshine Cruz na nagmana ng kaniyang kagandahan

Isa si Sunshine Cruz sa may pinaka magandang mukha at pinakamagandang hubog ng katawan sa mga aktres ngayon kahit na ito ay nasa edad 40 na. Kaya naman marami pa rin ang humahanga sakaniya dahil tila ba hindi tumatanda ang itsura nito kung saan mukhang mas lalong nagiging bata pa ang kaniyang itsura.

Sa kaniyang Instagram Account, madalas ibahagi ni Sunshine ang kaniyang tatlong magagandang mga anak kung saan madalas nitong kasa-kasama saan man ito magpunta. Bukod sa pagiging single parent, super close niya sa mga ito kung saan minsan ay napagkakamalan ng mga tao na kapatid niya lamang ang mga ito.

Image Courtesy: Instagram/sunshinecruz718



Image Courtesy: Instagram/samcruzm

Ang panganay na anak ni Sunshine na si Angelina Isabelle Cruz ay minsan ng nakilala sa showbiz dahil nagsimula ito sa kaniyang singing career kung saan nagkaroon pa ito ng kaniyang sariling album. Si Angelina ang isa pinaka maganda sa mga magkakapatid dahil hawig na hawig nito ang kaniyang Ina.

Image Courtesy: Instagram/angelinaisabele
Image Courtesy: Instagram/angelinaisabele

Marami ang nakakakilala kay Angelina dahil sa mala-anghel na kagandahan nito na talaga namang nakaka-antig kung tititigan. Bukod sa magandang mukha, si Angelina ay mayroon ring payat na pangangatawan at makinis na balat na nakuha niya sakaniyang Ina.

Image Courtesy: Instagram/sunshinecruz718



Ang pangalawa nitong anak ay si Samantha Angeline na siya rin unti-unti ng napapansin ng mga netizens dahil sa kakaibang ganda nito na pinaghalong Sunshine at Cesar ang kaniyang itsura. Siya rin ang may magandang hubog ng katawan sa tatlong magkakapatid kung saan madalas din itong makitaan na nakasuot ng mga swimsuit.

Image Courtesy: Instagram/samcruzm

Hindi pa pumapasok si Samantha sa showbiz pero makikita sa kaniyang Instagram Account na napaka artistahin nito dahil magaling din itong mag-pose sa kaniyang mga litrato. Sa katunayan, mukhang may potential na maging isang modelo ang batang ito dahil sa kaniyang model face and body.

Image Courtesy: Instagram/samcruzm

Samantala, Si Angel Francesca o ‘Chesca’ naman ang bunsong anak ni Sunshine Cruz kay Cesar Montano. Nasa edad na 14 years old pa lamang si Chesca subalit mukhang dalaga na ito dahil siya ay may matured na itsura sa magkakapatid. Nagmana si Chesca sa kaniyang Ama na si Cesar kung saan pati ang pagiging morena nito ay kaniyang nakuha sa Ama.

Image Courtesy: Instagram/chesca.montano

Kasalukuyang nag-aaral ito sa De La Salle Santiago at isa itong napakagaling na estudyante at kung paminsan-minsan ay kasama rin siya sa travel ng kaniyang ina. Close si Chesca sa kaniyang mga ate kung saan itinuturi niya ang mga ito bilang kaniyang mga bestfriend.

Image Courtesy: Instagram/angelinaisabele
Image Courtesy: Instagram/chesca.montano

Malaki ang potential ng mga magkakapatid na maging celebrity balang araw at sundan ang yapak ng kanilang mga magulang dahil napakaganda ng mga ito at talentado. Sa ngayon ay focus muna ang mga bata sa kanilang mga pag-aaral habang ang kanilang ate naman na si Angelina ay pinagsasabay rin ang singing career at pag-aaral dahil nakapasok ito sa kaniyang dream school.

Image Courtesy: Instagram/chesca.montano

Tunay ngang maswerte pa rin si Sunshine sa kaniyang mga anak kahit na hindi ito pinagpala sa kaniyang relasyon kay Cesar Montano dahil napakaganda ng mga bata at napakabait pa. Deserve na deserve naman talaga ni Sunshine na makasama ang kaniyang mga anak dahil siya ang nagsilang at naghirap na palakihin ang mga ito.



Leave a Reply

Your email address will not be published.