Matagal ng usap-usapan ang isang toxic trait o pangit na kaugalian ng mga Pinoy na inaasa sa mga anak ang responsibilidad ng mga magulang dahil sa utang na loob. Sa katunayan, muling nabuksan ang topic na ito dahil sa kontrobersiyal na ginawa ni Mommy Divine sa kaniyang anak na si Sarah Geronimo.
Kamakailan lamang ay napabalita na kinasal na sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli kung saan haka-haka ng mga tao na hindi raw imbitado sa secret wedding ang Ina ng Bride na si Mommy Divine Geronimo sapagkat hindi ito sang-ayon sa pagpapakasal ng kaniyang anak.

Binuhos ng negatibong komento si Mommy Divine lalo nang malaman ng mga netizens na may kondisyon raw ito na kinakailangan ilipat ni Sarah ang lahat ng kaniyang savings sa kaniyang pamilya bago ito magpakasal kay Matteo. Dahil ayaw ni Sarah na masaktan ang kaniyang soon to be husband, hindi raw nito sinunod ang payo ng ina at tuluyan silang nagpakasal sa isang secret wedding na ginanap sa Taguig.
Kaya naman maraming mga netizens ang nagbigay ng kani-kanilang mga reaksyon sa Social Media patungkol sa ganitong kaugalian ng mga Pinoy.
Isa na nga rito ang beteranong aktres na si Jaclyn Jose kung saan nagbahagi ito ng isang advice sa mga magulang patungkol sa pagpapalaki sa mga anak.

“It is our responsibility as parents, I am single mom of 2, i worked so hard to make them feel that everything was okay napuputulan ng ilaw o di makabayad sa rental but that doesn’t mean na ipapasa ko problema ko sa mga anak ko…” pagbabahagi ng aktres sa kaniyang caption sa kaniyang Instagram Account.
Ayon kay Jaclyn, kinaya niya ang lahat para sa kaniyang dalawang anak kahit na single parent lamang ito kina Andi. Kahit kailan man ay hindi raw ito kumuha o humingi ng kahit centavo sa kaniyang mga anak dahil para sakaniya ang lumaki ng masaya ang mga ito ay enough na para sakaniya.
“I haven’t get a single centavo sa mga anak ko. Kakayanin ko lahat para sa mga anak ko. I did all my best to raise them happy lang. No controlling para pag time naman nila gawin nila naman para sa mga anak nila.” dagdag pa ng aktres.

Hindi raw ito nakikisawsaw at nakikidagdag sa kasalukuyang issue sa Social Media, nais lamang nitong magbigay ng punto para sa mga magulang upang maintindihan nila na hindi tama ang kaugalian na iaasa ang buhay ng magulang sa buhay ng mga anak.
“Hindi ako nakikisawsaw sa issue just giving my point. Let them, at the end they will be more responsible… us parents must understand our children let them leave madadapa yan pero babangon kung hahayan natin sila.”

Turuan raw natin na hayaang maging masaya at tumayo sa sariling mga paa ang mga anak dahil kung sakali man na dumating ang araw na nagkamali sila, matututo silang bumangon at maging responsable sa kanilang sariling buhay.
“Wag obligate your children to pay your dreams, they have their own too…” ito ang huling caption ni Jaclyn sa kaniyang post.
Para sa aktres, hindi tama na maging obligasyon ng mga bata na bigyan ng magandang buhay ang kanilang mga magulang dahil una sa lahat ay mayroon rin ang mga ito ng sariling pangarap sa kanilang sariling buhay.

Napakaganda ng mensahe ni Jaclyn para sa mga magulang dahil tama naman ang kaniyang sinabi. Kadalasan kasi sa ating kultura, ang mga magulang ay todo suporta sa mga anak subalit ang iba ay gagawin itong utang na loob kung saan kinakailangan buhayin na ng anak ang kaniyang magulang at mga kapatid kapag dumating ang panahon.
At kung hindi man tumulong ang anak sa mga magulang o nagbigay ng pera ay tatawagin silang bastos o walang utang na loob. Dapat hayaan natin ang mga bata na kusang magbigay sa atin at huwag pilitin ang mga ito o gawing banko para magpabili ng buhay na nais natin. Hindi bank accounts ang mga anak, marunong magshare ang mga bata lalo na kung mapagmahal ang mga magulang.