Lorna Tolentino, isang Proud Mom na mag-isang itinaguyod ang kaniyang dalawang anak

Si Lorna Tolentino ang isa sa best actress na celebrities sa industriya ng showbiz dahil sa kaniyang kagalingan sa pag-arte. Isa siya sa mga beteranong aktres na hanggang ngayon sa kaniyang edad ay patuloy pa rin sa kaniyang career habang mag-isang itinataguyod ang kaniyang dalawang anak.

Image Courtesy: Instagran/lornatolentinofernandez



Maagang nagsimulang magtrabaho si Lorna bilang isang aktres mula pa noong dekada ’60 at mula noon ay napapanood na ito sa iba’t-ibang mga pelikula at palabas sa telebisyon. Ang angking kagandahan nito ang bumighani sa puso ng action star na si Rudy Fernandez at nauwi sa kasalan ang kanilang relasyon.

Image Courtesy: Instagram/renzmarionf

Nabiyayaan sila ng dalawang anak na lalaki; ang panganay na si Raphael “Rap” at ang bunsong si Renz na sumunod sa yapak ng kanyang mga magulang at sumabak sa showbusiness. Naging maayos ang kanilang buhay mag-asawa sa paglipas ng mga taon at natuldukan lamang nang sumakabilang-buhay si “Daboy” noong taong 2008 dahil sa isang malalang kondisyon.

Image Courtesy: Instagram/renzmarionf
Image Courtesy: Instagram/lornatolentinofernandez



Mula nang mawala ang katuwang sa buhay ni Lorna na si Rudy ay nag-focus na lamang ang aktres sa trabaho at ibinuhos ang atensyon sa kanyang mga anak dahil siya na lamang ang mag-isa na bubuhay sa mga ito.

Image Courtesy: Instagram/renzmarionf

Naging matatag si Lorna sa kaniyang mga pinagdaanan at tila nagbunga naman ang kaniyang hirap dahil lumaki naman na matitino at marunong rumespeto ang kaniyang dalawang anak.

Makikita na ine-enjoy na lamang ni Lorna ang kaniyang sarili kasama ang ang dalawang anak at ang kaniyang apo kung saan madalas silang makita na nagbobonding at nagbabakasyon na madalas niyang ibinabahagi sa kaniyang Instagram account.

Image Courtesy: Instagram/lornatolentinofernandez
Image Courtesy: Instagram/lornatolentinofernandez

Halatang proud na proud rin si Lorna sa mga ito dahil madalas niyang i-promote ang mga proyekto at achievements ng mga ito sa social media. Hiyang talaga rito ang pagiging ina kaya naman hindi na nakakagulat na madalas ay nanay rin ang ibinibigay na role sa kanya sa mga pelikula at mga palabas na ginagawa nito.

Image Courtesy: Instagram/lornatolentinofernandez
Image Courtesy: Instagram/lornatolentinofernandez

Napansin na rin ng mga netizens ang dedikasyon niya at marami na ang nagkomento sa kanyang mga posts na maswerte ang kanyang mga anak dahil may ina silang kagaya nito.

Image Courtesy: Instagram/lornatolentinofernandez

Sa katunayan nga ay nakukuha pa niyang replyan ang kaniyang mga fans kung saan kadalasan ay hindi na pinaglalaanan pa ng pansin ng ibang mga kilalang personalidad kagaya niya. Humble raw ito at may respeto sa kapwa, mga bagay na karagdagan sa mga katangiang kahanga-hanga kay Lorna.



Leave a Reply

Your email address will not be published.