Kiray Celis, Ipinakita ang kaniyang dating napakasikip at lumang kwarto noong nagsisimula pa lamang itong makaipon

Simula bata pa lamang ay nagsimula na ang career ni Kiray Celis sa Industriya ng Showbusiness dahil may iilan itong naging proyekto noon. Magmula noon ay unti-unting nakilala ang pangalan nito dahil na rin sa kaniyang kwelang pagkatao kung saan tinagurian siyang isa sa mga batang komedyante sa industriya.

Image courtesy: Kiray Celis/Instagram



Kahit na madalas kantyawan ang itsura ni Kiray ay taas noo ito at tila ba hindi apektado dahil mas marami ang natutuwa sa kaniya dahil alam nitong i-embrace ang kaniyang tunay na pagkatao.

Image courtesy: Kiray Celis/Instagram

Subalit ang actress-comedian na si Kiray ay nagmula rin pala noon sa hirap kung saan kumayod ito ng husto upang makamit niya ang kaniyang kinalalagyan ngayon.

Kamakailan nga lamang ay ibinahagi nito sa kaniyang Instagram account ang kaniyang lumang kwarto noon at ikinuwento nito ang mga panahon na nangangarap pa lamang ito na maabot ang kaniyang mga goals sa buhay.

Image courtesy: Kiray Celis/Instagram

Ayon sa aktres, tuwing siya ay tinatanong noong bata pa lamang ito kung ano nga ba talaga ang pangarap niya sa kaniyang buhay ay madalas sabihin ng aktres na nais niyang magkaroon ng maraming pera upang mabili niya ang kaniyang mga gusto.

Image courtesy: Kiray Celis/Instagram

Pangarap ni Kiray na mabigyan at mapatayuan ng sariling bahay ang kaniyang Mama dahil kwento nito na nangungupahan lamang sila noon at nagiipon pa lamang para sa kanilang sariling bahay. Dagdag pa nito na iisa lamang ang kanilang kwarto noon kung saan sama-sama silang natutulog kasama ang kaniyang Mama, Papa at bunsong kapatid.

Image courtesy: Kiray Celis/Instagram



“Pangarap ko po magkaroon ng pera para mabili ko ng sariling bahay sila Mama. Gusto ko lang po i-share sa inyo tong picture ng kwarto ko. Actually kwarto namin kasi kasama ko sa iisang kwarto si mama, papa at bunso namin. Pero ngayon po may sarili nakong kwarto.” caption ni Kiray sa kaniyang Instagram post.

Image courtesy: Kiray Celis/Instagram

Sa litratong ito, makikita na napakaliit lamang ng kaniyang kwarto noon at manipis na plywood lamang ang kaniyang mga stante na pinaglalagyan nito ng kaniyang mga Spongebob Collections. Mahilig kasi ang aktres sa Character na Spongebob kaya noon pa lamang ay nangongolekta na ito ng mga kagamitan na may Spongebob na disenyo.

Subalit ngayon na naka-ipon na ng husto ang aktres ay naibili na niya ng bahay ang kaniyang pamilya at nagkaroon na ito ng kaniyang sariling kwarto kung saan na ang tema nito ay Spongebob din.

Image courtesy: Kiray Celis/Instagram

“Yung pangalawang photo po, nakahiga ako kasama ng puro spongebob na collection ko. Ngayon kama ko, mismong spongebob na. Take note, yun pa rin po yung damit ko pantulog…” kwento ng aktres.

Dahil sa kaniyang sikap at tiyaga na makamit ang kaniyang mga pangarap, sa wakas nakuha na niya ang kaniyang mga minimithi sa buhay kung saan maayos na ang lagay nito kasama ang pamilya.

Kaya naman may munting helpful advice si Kiray sa kaniyang mga followers na minsan din na nangarap tulad niya.

“Basta kapag nangarap ka, mangarap ka ng malaki. Mangarap ka ng sobra. Tapos samahan mo ng sipag, tibay at lakas ng loob, gawin mong inspirasyon pamilya mo saka prayers talaga. PROMISE MATUTUPAD MO!!”, pahuling caption nito.

Image courtesy: Kiray Celis/Instagram

Sa ngayon ay masaya at kuntento si Kiray sa kaniyang buhay dahil na rin sa kaniyang supportive boyfriend na sinasamahan ito sa lahat ng kaniyang trip sa buhay.

Nawa’y maging inspirasyon natin si Kiray upang maabot din natin ang ating mga pangarap. Ika nga ng iba, Dream High and Work on it!



Leave a Reply

Your email address will not be published.