Ipinakita ni Dawn Zulueta ang kaniyang munting hardin na mayroong mga tanim na iba’t-ibang gulay

Napakaraming benepisyo nga naman talaga kung mayroong taninam ng mga gulay sa ating bahay dahil pipitas ka lamang ay mayroon ka ng mailuluto para sa araw. Lalo na sa panahon ngayon ng krisis kung saan hirap tayong makalabas at makabili ng ating mga pagkain. Ngayon naiisip ng mga tao kung gaano ka-importante ang may tanim dahil kapaki-pakinabang naman talaga ito.

Kaya naman napaka swerte ng mga ilang celebrities na ginawang past time ang pagtatanim ng gulay noon dahil mayroon silang ina-ani ngayon lalo na sa panahon ng krisis.

Isa si Dawn Zulueta sa mga artista na mayroon ng naipundar na taniman ng gulay sa kaniyang bakuran na siyang naging benepisyal ngayon para sakaniya.

Image Courtesy: dawnzulueta/Instagram



Kwento ni Dawn, ang kaniyang libangan ngayong panahon ng quarantine ay ang pagrerelax, pakikipag bonding sa kaniyang mga anak at ang pag-aasikaso sa kaniyang mini garden na unti-unti ng lumalago ngayon.

Image Courtesy: dawnzulueta/Instagram

Sinimulan niya ang kaniyang taniman noong september 2019 dahil nais nitong subukan ang urban farming o urban gardening. Matagal niyang pinalago ang kaniyang mga tanim kung saan sobrang happy nito dahil unti-unting lumago ang kaniyang garden.

Image Courtesy: dawnzulueta/Instagram
Image Courtesy: dawnzulueta/Instagram

Hindi niya inakala na ngayon ay nakaka-harvest na siya ng repolyo, kangkong, basil at spinach na siyang ginagamit pa minsan upang makagawa ng fresh salad.

Image Courtesy: dawnzulueta/Instagram
Image Courtesy: dawnzulueta/Instagram



Sa una ay sinubukan niya lamang ito at nang ito ay lumago, ipinagpatuloy niya hanggang sa nakapag tanim na ito ng iba’t ibang klase ng gulay. Sa tuwing ito ay nakaka-ani, ito ang ginagamit niya upang pansahog sa kanilang mga ulam o kaya naman inihahanda bilang salad for dessert.

Image Courtesy: dawnzulueta/Instagram

Sa katunayan, lumalago na rin ang kaniyang mga pananim na okra, talong at arugula kung saan malapit na niyang anihin ang mga bunga nito.

Image Courtesy: dawnzulueta/Instagram

Bukod sa pagtatanim ay ang libangan ni Dawn ay ang pag lilinis o pagdeclutter at pag-organize ng kaniyang bahay upang mas maging maaliwalas ang kaniyang isip.

Image Courtesy: dawnzulueta/Instagram
Image Courtesy: dawnzulueta/Instagram

Kaya naman sinimulan niyang ayusin ang kaniyang living room kung saan tinanggal nila ang ilang mga upuan at ginamit ang sala bilang kanilang family room kung saan nag-set up ito ng game table para makabonding ang kaniyang mga anak.

Image Courtesy: dawnzulueta/Instagram

Pagbabahagi ng aktres, blessed at thankful pa rin ito dahil safe ang kaniyang pamilya at malayo sila sa ano mang sakuna kaya naman madalas itong mag-reflect at magdasal bilang pasasalamat at paghingi ng proteksyon sa Panginoon.





Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *