Ang pagging isang single parent ay isang napakahirap na tungkulin sa lahat ng mga nanay at tatay na walang katuwang sa buhay. Ito na yata ang isa sa pinakamaganda ngunit pinaka mahirap na sakripisyo na maibibigay ng isang single parent sa kanilang mga anak. Napakarami sa atin ang mag-isang itinataguyod ang kanilang mga anak at isinasabay ang trabaho upang mabigyan ito ng magandang buhay.
Tila superhero ang pagiging single parent kaya naman nakakabilib ang mga magulang na nakayang palakihin, alagaan at suportahan ang kanilang mga babies ng walang katuwang sa buhay. Ang karanasan na ito ay mismong naranasan ng aktres na si Lj Reyes noong siya ay nagkaroon ng first baby sa kaniyang ex-partner na si Paulo Avelino.

Ibinahagi ni Lj ang isang Instagram post tungkol sa lahat ng kaniyang hirap na naranasan sa pagpapalaki sa kaniyang anak na si Aki at kung paano siya natutong tumayo sa kaniyang mga sariling paa habang isinasabay ang trabaho at pag-aalaga ng kaniyang anak.

Hindi madali ang karanasan na ito para sa aktres subalit nakayanan niya ang lahat ng ito kahit na siya lamang ang tumayo bilang nanay at tatay ni Aki sa mga panahon na wala pa itong katuwang sa buhay.

Kwento ni Lj, ang pagiging single mom na yata ang pinaka empowering experience na kaniyang naranasan sa kaniyang buhay dahil ito ang rason kung bakit siya natutong maging independent. Kahit na may mga panahon na kinailangan niyang malayo kay Aki dahil sa kaniyang trabaho, tiniis niya ang lahat ng ito at ginawa ang lahat ng kaniyang makakaya upang mapalaki ng tama ang kaniyang anak.

Kahit na may sariling pamilya na ito ngayon sa kaniyang asawa na si Paolo Contis, hinding-hindi raw makakalimutan ng aktres ang experience niya bilang single mom kay Aki dahil isa ito sa pinaka-dabest moments niya sa kaniyang past.

Ang bonding moments nilang dalawa ang isa sa pinaka espesyal na yugto ng kanilang buhay kung saan walang sinuman ang makakatibag nito. Siya ang tanging rason kung bakit mas independent at strong woman ngayon ang aktres. Isang yakap lamang raw ng kaniyang anak ay tila ba para siyang superhero dahil mas lumalakas ito at mas tumitibay ang kaniyang self confidence na kakayanin ang lahat para sa kaniyang pamilya.

“Aki is the reason that I am strong woman today. Dahil sa kanya, Alam ko na kahit ano kaya kong pagdaanan. Today, we are enjoying a family life, but I will never forget the times na kami lang ni Aki. Alam kong meron kaming special bond ni Aki that nobody can take away from us. Kahit na hindi ko siya kasama bawat minuto nung mga panahong yun kasi kelangan kong magjuggle ng time sa kanya at sa trabaho, alam ko that we were always together in spirit and in our hearts,” pagbabahagi ng aktres.
Kaya naman sa ika-9 na kaarawan ni Aki, maluha-luhang ibinahagi ng aktres ang isang inspiring message para sa kaniyang anak.

“You have taught me so much Aki! You have been my strength and my weakness! For so long it has always been you and me! Sometimes it scares me because it feels like I’m losing time with you. All I wanna do is hug you as tight as I could and kiss you as much as I could…”

Ang tanging hiling ng aktres ay nawa’y mabigyan pa siya ng mas maraming pagkakataon na makasama ang kaniyang anak. Unti-unti na raw itong lumalaki at hindi niya napapansin na ang dating baby Aki ay magiging ganap na binata na sa ilang taon. Kaya naman sa lahat ng pagkakataon ay ibinubuhos ni Lj ang kaniyang oras para sa kaniyang dalawang anak.
Maswerte ang aktres dahil napakabait ng kaniyang asawa na si Paolo Contis kung saan natanggap niya at minahal si Aki ng para bang kaniyang sariling anak.


Sa ngayon ay all is well ang kanilang buhay at masaya si Lj sa lahat ng kaniyang naging past experiences noon kahit na napakaraming tough decisions ang kaniyang kinailangang desisyunan para kay Aki.