Kilalanin ang napakagandang nakakatanda na kapatid ni Daniel Padilla na si Roanna Padilla

Hindi maikakaila, na isa sa may pinakamalaki na kita ay ang batang aktor na si Daniel Padilla. Isa siya sa mga pinakamatagumpay at mahusay na aktor ng kanyang henerasyon at marami na siyang nagawa at naipakita sa kanyang mga proyekto kasama ang kanyang loveteam partner na si Kathryn Bernardo. Kaya naman nabuo ang ‘KathNiel’.

Image courtesy: Roanna Padilla/Instagram



Palaging sinasabi ni Daniel na ang kanyang inspirasyon ay ang kanyang pamilya. Ayon kay Daniel Padilla, mahirap talaga para sa kanila ang buhay noon.

Kamakailan lamang ay nakilala natin ang nakababatang kapatid ni Daniel na si Magui Planas, kilalanin naman natin ngayon ang kanyang nakatatandang kapatid na babae.

Image courtesy: Roanna Padilla/Instagram

Tila, bukod sa Teen King Daniel Padilla, si Rommel Padilla ay may iba pang mga anak, na nagpapatunay na ang mga magaganda at gwapong mukha ay tiyak na nasa genes ng pamilya. Tingnan at kilalanin si Roanna, ang nakatatandang half-sister ni Daniel, na tiyak namang papasa ang ganda sa showbusiness.

Image courtesy: Roanna Padilla/Instagram

Si Roanna Padilla ay ang nakatatandang kapatid na babae ni Daniel Padilla na anak ng beteranong aktor na si Rommel Padilla at non-showbiz na asawa na si Anabelle Antonio.

Ang mga ito ay malapit sa bawat isa kahit na mayroon silang iba’t ibang mga ina at malapit din siya sa iba pang mga kapatid ni Daniel kay Karla Estrada.

Image courtesy: Roanna Padilla/Instagram



Kahit na wala siya sa mundo ng showbusiness, mayroon na rin naman siyang mahigit sa walumpu’t limang libong mga followers sa Instagram.

Image courtesy: Roanna Padilla/Instagram

Kung inyong makikita ang kanyang Instagram account, masasabi na ring hindi lamang siya maganda ngunit mayroon din siyang mabuting puso, may pagmamalasakit na ipinapakita at matulunging kapatid kay Daniel.

Image courtesy: Roanna Padilla/Instagram

Ibinahagi ni Roanne Padilla ang ilang mga larawan sa social media kasama ang kasintahan ni Daniel at Teen Queen na si Kathryn Bernardo.

Image courtesy: Roanna Padilla/Instagram
Image courtesy: Roanna Padilla/Instagram

Kung inyong mapapansin ay tila napakalapit ng dalaga kay Kathryn at kung sakaling magpasya siyang maging artista, marami na siyang kaibigan sa industriya.

Image courtesy: Roanna Padilla/Instagram
Image courtesy: Roanna Padilla/Instagram

Hindi maikakaila na talaga namang may mararating ang batang ito at tiyak na makikilala kapag nagpasya siyang pumasok sa mundo ng showbusiness. Talaga namang ang kagwapuhan at kagandahan ay makikita sa kanilang dugo.





Leave a Reply

Your email address will not be published.