Ibinahagi ni Kathryn Bernardo ang tatlong bagay na kaniyang pinaka ayaw na kaugalian ng isang tao

Si Kathryn Bernardo ang isa sa mga aktres na mayroong pinakamaraming subcribers at viewers sa Youtube. Mula nang ibahagi ni Kathryn ang kaniyang pinaka-unang Youtube vlog, umangat ng tuluyan ang kaniyang mga tagapanood at halos milyon-milyon ang views nito bawat videos na kaniyang ipinopost.

Image Courtesy: Instagram/bernardokath



Isa sa nagustuhan ng mga viewers ng aktres ay ang pagbabahagi niya ng kanilang travel trip ni Daniel Padilla. Kung inyong mapapanood ang kaniyang mga kauna-unahang vlogs, makikita mo kung gaano ka-simple, kabait at kahinahon ang aktres lalo na kung wala itong trabaho.

Sa katunayan, natutunan na rin ni Kath na maging open tungkol sa kaniyang buhay at lovelife kung saan madalas na rin itong magbahagi ng kaniyang deepest thoughts o mga saloobin sa kaniyang kapwa followers. Kaya naman maraming netizens ang nagmamahal sa aktres at talagang inaabanga ang kaniyang mga vlogs.

Image Courtesy: Instagram/bernardokath

Sa isang episode ng ‘Everyday Kath’, sinagot ni Kathryn Bernardo ang ilang mga random questions na kaniyang natanggap sa kaniyang mga viewers upang mas magkaroon ito ng connection sa kaniyang mga tagapanood.

Kahit gaano kabait ang aktres ay mayroon pa rin itong mga biggest pet peeves o kinaiinisan lalo na pagdating sa manners at good conduct ng isang tao.

Image Courtesy: Youtube/EverydayKath

Sa isang katanungan ng isa sa kaniyang mga followers kung ano ang isang bagay na pinaka ayaw niya sa isang tao, sinagot mismo ng aktres ang top 3 biggest pet peeves nito.

“What are your pet peeves?

Image Courtesy: Youtube/EverydayKath



Medyo madami, pero mag bibigay ako ng top 3. Una, ayokong may pumupunta sa bed ko lalo na pag galing ka sa labas o yung naka outside clothes… Yung bed it should be clean na kung saan ka man umupo that day ay hindi mo dadalhin yung bacteria sa bed… Yun ang rule ko sa kwarto.

Image Courtesy: Youtube/EverydayKath

Next, ayoko kapag nagbu-burp ng hindi nage-excuse me.

Next pet peeve, I don’t like kapag sinisitsitan ako. So kunwari mag papa-picture kayo tapos sasabihin niya “Psst!”… di ko talaga siya nililingon. Kasi may pangalan tayo so call me by my name. Wag mo akong sitsitan.”, sagot ng aktres sa kaniyang Youtube vlog.

Para kay Kath, malaking bagay ang pagkakaroon ng good manners sa iyong kapwa dahil ito ay pagpapakita ng respeto sa iba at pagkakaroon na rin ng respeto sa sarili.

Image Courtesy: Youtube/EverydayKath

Sa katunayan, mas ninanais ng aktres na mababait at may respeto ang kaniyang makakasalamuhang tao lalo na pag ito ay nagta-travel. Pinipili raw niya talaga ang kaniyang mga lugar na pupuntahan kung saan alam niyang mababait ang mga tao dahil alam niyan safe siya at hindi ito mababastos ng kung sino man.

Image Courtesy: Instagram/bernardokath

Relate kami sayo Kath! Tandaan natin na wag tayong umupo o wag nating papaupuin ang ibang tao sa ating kama ng hindi nagpapalit ng damit o kapag nanggaling sa labas dahil lalo na ngayon na mas prone sa virus infection. Hindi rin maganda ang pagsitsit sa ating kapwa!





Leave a Reply

Your email address will not be published.