Isa nang ganap na ina ang dating PBB Housemate na si Karen Reyes

Ibinahagi ng dating PBB Housemate na si Karen Reyes sa isang vlog post ang isang big revelation na bumago sa kaniyang buhay at current situation noon bilang isang aktres.

Image courtesy: Instagram/justmekarenreyes



Para sa kaniyang Mother’s day special vlog video, masayang ikinwento ni Karen sa kaniyang mga tagapanood na noong mga nakaraang araw ng quarantine ay nakapag-reflect ito sa kaniyang buhay at napagtanto niyang ibahagi ang isang sikreto na matagal na niyang itinago sa media.

Image courtesy: Youtube/karenreyes

Proud na ibinahagi ni Karen na isa na itong ganap na Mommy simula pa noong 2016. Ipinakilala niya sa netizens ang kaniyang panganay na anak na si Olivia na kaniyang ipinagbuntis taong 2016 habang nagtataping sa isang palabas kasama sina Liza Soberano at Enrique Gil.

Image courtesy: Youtube/karenreyes
Image courtesy: Youtube/karenreyes

Ang totoong rason kung bakit hindi niya ito ipinakilala noon sa media ay dahil natakot raw ang aktres sa rejections at negative comments ng tao sa kaniya. Hindi nasabi ni Karen ang kaniyang sitwasyon noon dahil na rin ayaw niyang mawala ang kaniyang career sa industriya ng showbusiness.

Image courtesy: Instagram/justmekarenreyes

Isa sa pinakamahirap niyang pinagdaanan noong siya ay nagdadalang tao ay ang pagtago o pagsikreto niya sa kaniyang Mommy. Wala raw itong makausap at mapagsabihan ng nararamdaman kaya isa ito sa dahilan kung bakit ito nahirapan at mas lalong natakot para sa kaniyang sitwasyon.

Image courtesy: Youtube/karenreyes



Sa katunayan, dalawa na ang kaniyang anak ngayon at ipinakilala nito ang kaniyang bunsong anak na si Lucas. Ipinanganak niya ito taong 2019 at kasalukuyang 9 months old na ito.

Image courtesy: Youtube/karenreyes

Hindi naman raw niya talaga ito gustong itago sa publiko subalit mas pinili niya na magkaroon ng privacy ang kaniyang mga anak.

Image courtesy: Youtube/karenreyes

Marami raw itong realizations ngayong quarantine kung saan wala raw pala itong dapat ikatakot dahil ang kaniyang lakas ay ang kaniyang mga anak.

Image courtesy: Youtube/karenreyes

Sobrang saya ang kaniyang nadarama ngayon at tila blessed daw ito dahil ang kaniyang mga anak ang nagpabago ng kaniyang buhay.

Umabot ng halos 1.2 million views ang inspiring vlog na ito dahil maraming mga netizens ang nakarelate sa naging sitwasyon ng aktres noon.

Image courtesy: Instagram/justmekarenreyes

Ang dating kinatatakutan ng aktres na pangbabash at negative comments mula sa media ay napalitan ng saya dahil inulan siya ng positive feedbacks, happiness at support mula sa mga netizens.

Congrats Mommy Karen! Be happy!





Leave a Reply

Your email address will not be published.