Maxene Magalona, ibinahagi ang naging benepisyo ng Yoga para sa kaniyang kalusugan

Mula nang magsimula ang quarantine sa ating bansa, hindi na muli pang nakauwi sa Pilipinas ang aktres na si Maxene Magalona at ang kaniyang asawa na si Robb Mananquil. 

Image courtesy: Maxenemagalona/instagram



Image courtesy: Maxenemagalona/instagram

Kasalukuyan silang nasa Bali, Indonesia noong Marso upang sumailalim sa mental health program. Subalit dahil sa nangyaring krisis sa ating bansa, nahirapan na silang makauwi sa Pilipinas at pinili na lamang nila na pansamantalang mag-stay sa Bali habang ipinagpapatuloy ang kanilang bakasyon at training program doon.

Image courtesy: Maxenemagalona/instagram

Hindi rin naging madali para kay Maxene ang manirahan doon dahil hindi rin nito maiwasan na mangamba sa kaniyang pamilya na nasa Pinas. Pero dahil sa tulong na rin ng mental health program na kaniyang pinasukan ay mas nagiging relax ang isip nito at panatag ang pakiramdam na matatapos rin ang lahat ng ito.

Image courtesy: Maxenemagalona/instagram

Halos tatlong buwan na rin na nasa Bali ang aktres at patuloy ang kaniyang Yoga classes at mental health program. Malaki raw kasi ang epekto ng Yoga at meditation sa buhay ni Maxene lalo na sa mga kagaya niyang nakaranas na mayroong disorder sa kalusugan ng kanilang pag-iisip.

Image courtesy: Maxenemagalona/instagram

Halos tatlong taon na ang nakalipas simula nang sinubukan ni Maxene ang Yoga exercise upang ma-achieve ang kaniyang body goals at makapagbawas ng timbang. Ipinagpatuloy niya ito hindi lamang para maging maganda ang kaniyang katawan, kung hindi para magkaroon ng healing and peace ang kaniyang past experiences sa buhay.

Image courtesy: Maxenemagalona/instagram



Nakaranas na raw kasi ito ng Mental health condition noon na tinatawag na Complex Post Traumatic Stress Disorder o C-PTSD na isang kondisyon kung saan nakakaranas ang isang tao ng guilt and shame, problema sa pagkontrol ng emosyon, at migraines. Nakatulong ang Yoga practice sa kaniyang mental state at mas lalong tumibay ang relasyon nito sa kaniyang sarili.

Image courtesy: Maxenemagalona/instagram

“I didn’t know this back then but evidently, yoga is very beneficial for people with mental health conditions especially those who are trauma survivors. Some symptoms of people like me who deal with the mental health condition known as Complex Post Traumatic Stress Disorder include feelings of shame or guilt, problems controlling emotions, physical ailments like chest pains and migraine, relationship difficulties and dissociation.

…I started practicing yoga for weight loss, after 4-6 months of constant practice, physical appearance no longer mattered to me. I could slowly feel my mind, body, and spirit uniting. Thanks to yoga, I was able to inhabit my body and develop a healthy relationship with it, pagbabahagi ni Maxene sa kaniyang Instagram post.

Image courtesy: Maxenemagalona/instagram

Noon raw ay halos ayaw nitong humarap sa salamin dahil ayaw niyang makita ang kaniyang flaws and imperfections, subalit sa pagpapatuloy sa pag-yoga ay mas minahal niya ang kaniyang sarili at natuto itong tanggapin ang kaniyang imperfections sa buhay.

Image courtesy: Maxenemagalona/instagram

“For years, I couldn’t even look at myself in the mirror but now, thanks to my practice, I’ve earned to accept and truly love everything about myself.”

Image courtesy: Maxenemagalona/instagram

Malaki raw ang epekto ng Yoga and meditation para kay Maxene dahil mas nagiging open ito sa kaniyang sarili at mas naging healthy ang kaniyang lifestyle. Sa katunayan, maging ang kaniyang asawa ay kasama rin niya sa ilang yoga classes sa Bali.

Image courtesy: Maxenemagalona/instagram

Masaya ang aktres at maganda ang naging epekto ng mental health training program na ito sa kaniyang buhay dahil nagkaroon ito ng peace of mind at mas naliwanagan ang kaniyang buhay sa mga mas importanteng bagay tulad ng pagiging thankful sa Panginoon araw-araw.

Image courtesy: Maxenemagalona/instagram

Sa ngayon, kasalukyan pa rin na nasa Bali sina maxene at patuloy ang kaniyang healthy lifestyle doon. Nagsimula na rin niyang ibahagi ang kaniyang yoga practice sa kaniyang Youtube channel upang maka-inspire ng ibang tao at maturuan ang mga taong nais matuto ng yoga.

Peace and healing, Maxene! Namaste!





Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *