Chesca Kramer, isa pinaka-importante na matutunan ng kaniyang mga anak ay ang magandang asal “Character Building is more important”

Malaki na ang importansya at benepisyo ng Homeschooling para sa mga bata lalo na sa panahon ng krisis ngayon na kinahaharap ng ating bansa. Dahil na nga sa pagkawalan ng pasok ng mga eskwelehan, maraming mga Nanay ang nangangamba para sa edukasyon at kinabukasan ng kanilang mga anak.

Kaya naman bilang sanay sa aspetong ito, ibinahagi ni Chesca Garcia Kramer ang ilang bagay kung bakit mahalaga ang homeschooling lalo na ngayong nawalan ng pasok ang mga estudyante.

Image courtesy: Instagram/chekakramer




Image courtesy: Instagram/chekakramer

Ang mga anak kasi nito na sina Kendra, Scarlett at Gavin ay homeschooled simula una pa lamang at hindi naranasan ang buhay sa eskwelahan kaya naman hindi rin naantala ang pag-aaral ng mga bata nang magsimulang mawalan ng pasok.

Image courtesy: Instagram/chekakramer
Image courtesy: Instagram/chekakramer

Kwento ni Chesca, maraming advantages ang homeschooling lalo na at siya mismo homeschooled noong ito ay nag-aaral pa lamang. Kaya naman pagdating sa edukasyon ng kaniyang mga anak ay pinili niya rin na  i-homeschool ang mga bata dahil para sakaniya ay mas mabuti ito para sa kanilang kinabukasan.

Image courtesy: Instagram/chekakramer

Para kay Chesca, ang homeschooling ay hindi lamang raw tungkol sa academic performance ng kaniyang mga anak. Hindi lamang raw ito tungkol sa mga librong kanilang binabasa at leksyon na tinatalakay, kung hindi ito raw ay importante upang mas makuha niya ang loob ng kaniyang mga anak at maturuan ng tamang character values and attitude.

Image courtesy: Instagram/chekakramer

“Homeschooling is more than just academics, it’s realling winning my child’s heart and building their character,” caption ni Chesca sa kaniyang Instagram account.

Image courtesy: Instagram/chekakramer

Noong una raw ay mas focus ito na mag-excel ang kaniyang mga anak sa kanilang academic performance kung saan nais niyang matapos at maisaulo ng mga bata ang lahat ng leksyon. Subalit, narealize ni Chesca na mas importante ang Character building lalo na ang pakikipagtrato sa ibang tao.

Image courtesy: Instagram/chekakramer




“I used to be so focused on getting them to finish their task and making sure that they get everything right instantly. My goal was for them to excel academically… But I realized soon after, that character building is even more important. The way we perceive and deal with people tells so much about our hearts.”

Image courtesy: Instagram/chekakramer
Image courtesy: Instagram/chekakramer

Napansin ni Chesca na simula noong tinuturuan niya ang mga bata ng life skills at values, mas nakita nito na naging attentive at focus sila na ipakita at ibuhos ang kanilang kakayahan.

Image courtesy: Instagram/chekakramer
Image courtesy: Instagram/chekakramer
Image courtesy: Instagram/chekakramer

Kadalasan sa mga magulang ngayon ay wala ng panahon ang mga ito sa kanilang mga anak kaya naman ang character values ng mga bata ay napapabayaan kung saan lumalaki ang mga ito na hindi natuturuan ng tamang pakikitungo sa mga tao.

Image courtesy: Instagram/chekakramer
Image courtesy: Instagram/chekakramer
Image courtesy: Instagram/chekakramer

“The more time we spend together, the more time we have in addressing their feelings and thoughts. They get to share what is important to them and for us parents as well— from there we agree on a common goal.”

Image courtesy: Instagram/chekakramer
Image courtesy: Instagram/chekakramer
Image courtesy: Instagram/chekakramer

Nais turuan ni Chesca ang kaniyang mga anak na maging vocal ang mga ito tungkol sa kanilang mga pakiramdam at emosyon sa mga bagay-bagay upang mas maintindihan niya ang mga ito at maging positive ang kanilang tingin sa buhay.




Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *