Anak ng dating sikat na aksyon star na si Ronnie Ricketts hinangaan dahil sa mala-Latinang kagandahan

Si Ronnie Ricketts ay isa sa mga nag lalakihang kilalang action star noong 90s na kung saan mapapanood siya sa iba’t ibang programa sa telebisyon o pelikula sa takilya. Hindi lamang sa kagandahang lalaki at kagalingan sa pag arte nakilala ang aktor pati na rin sa husay niya sa martial arts.

Image courtesy: Raechelle Ricketts/Instagram



Matapos ang ilang taon bilang isang action star dumating din siya sa punto na umalis sa showbiz at nabalitaan na lamang ng ibang mga tagahanga ng aktor na nagkaroon ng ugnayan sa isa ding sikat na artista na walang iba kundi si “The Diamond Star” Maricel Soriano.

Image courtesy: Raechelle Ricketts/Instagram

Hindi din nagtagal nagbago ang ihip ng hangin at ito ay nagpakasal sa kapwa niya artista na si Mariz at makalaunan nagkaroon ng anak na magaganda. Sa ngayon ang aksyon star na si Roonie ay nagtratrabaho bilang Head ng OMB o mas kilala sa pangalang “Optical Media Board” na layunin mag-saayos ng mga iba’t ibang media content sa bansa.

Image courtesy: Raechelle Ricketts/Instagram

Sa ngayon ang aksyon star at ang kanyang asawa ay hindi na masyado nagpaparamdam sa media upang mag update sa kanilang kalagayan. Ngunit nito lamang mga nakaraang mga buwan naging usap-usapan ang bunsong anak ng aktor na si Raechelle Marie dahil sa kanyang pambihirang taglay na kagandahan at talagang hindi mo maitatanggi na nagmana ang dalaga sa kanyang mga magulang.

Image courtesy: Raechelle Ricketts/Instagram



Ang anak ng aktor at ktres na si Raechelle ay 20 taon gulang pa lamang ngunit mapapansin mo sa kanyang magandang pangangatawan ay masasabi mong dumadaan ito sa isang mahigpit na pagsasanay at isa na doon ang boksing na kung saan tinuro ito kay Raechelle ng kanyang ama. Hindi lamang boksing ang kanyang pinagkakaabalahan kundi pati na rin ang pagpinta at pagsayaw na isa niya ding talento at hobby.

Image courtesy: Raechelle Ricketts/Instagram

Hindi lang maganda at talentado si Raechelle kundi mabait din dahil mapapansin mo sa kanyang mga post sa social media na siya ay close sa kanyang mga magulang at kapatid. Hilig din ng dalaga na mag punta sa iba’t ibang bansa tulad ng New York at Taiwan na kanyang paborito na puntahan.

Image courtesy: Raechelle Ricketts/Instagram
Image courtesy: Mariz Ricketts/Instagram

Madalas din bumisita ang dalaga sa mga beach at karamihan ng mga tao doon ay napapansin ang kay gandang pangangatawan ng dalaga na talagang mapapalingon ka. Madami sa mga netizen ang humihiling na sundan niya ang yapak ng kanyang mga magulang na pumasok sa showbiz industry ngunit para kay Raechelle ay hindi pa siya handa dahil kontento siya kung ano man ang meron siya ngayon.





Leave a Reply

Your email address will not be published.