Mariel Padilla, labis-labis ang magandang pag-trato nito sa kaniyang mga househelpers

Tila napakaswerte nga naman talaga ng mga celebrity maids na nabigyan ng pagkakataon na magtrabaho sa bahay ng mga artista lalo na kung sila ay nakatagpo ng mga mababait at down to earth na mga Amo.

Image courtesy: Instagram/marieltpadilla



Image courtesy: Instagram/marieltpadilla

Isa na nga sa mga maswerteng maids ay ang mga kasambahay nina Robin Padilla at Mariel Rodriguez na siyang nag-aalaga sa kanilang dalawang anak na sina Isabella at Gabriela na tila ba tinuturing nina Mariel na parang kanilang mga ka-pamilya.

Image courtesy: Instagram/marieltpadilla

Bukod sa pasasalamat ay panay ang pagbigay nina Mariel ng mga surprise sa kaniyang mga kasamabay dahil thankful ito sa kanilang serbisyong naibibigay sa pamilya.

Image courtesy: Instagram/marieltpadilla

Sa katunayan, noong nakaraang Mother’s Day ay isa isa silang nakatanggap ng bouquet of flowers na galing mismo sa kanilang mga Amo. Bukod doon, pinaghandaan rin ni Mariel ang kaniyang mga maids ng masasarap na pagkain sa araw na ito at hinayaan na makaligo sa kanilang swimming pool bilang kanilang celebrasyon sa araw na ito.

Image courtesy: Instagram/marieltpadilla



Image courtesy: Youtube/marielpadilla

Samantala, noong akaraang pasko naman ay pinaghandaan niya ng espesyal na Christmas party ang kaniyang mga kasambahay kasama na rin ang ilang househelpers sa kanilang bahay. Bukod doon ay may kani-kaniyang bonus at regalo pa ang mga ito na galing mismo kina Robin kung saan mas naging espesyal ang kanilang holiday season.

Image courtesy: Instagram/marieltpadilla

Maganda ang pag-trato nina Robin at Mariel sa kanilang mga househelpers dahil mababait rin ang mga ito at inaalagaan ng mabuti ang kanilang mga anak kaya naman nais lamang ng mag-asawa na mapasaya ang mga ito at maramdaman nila na sila ay importanteng parte ng kanilang buhay.

Image courtesy: Youtube/marielpadilla

Maging sa  isang Youtube channel ng aktres ay mayroon itong espesyal na episode sa kaniyang mga maids kung saan inanyayahan niya ang mga ito na sumali sa kaniyang “Fast eating challenge”. Bukod pa roon, ang nanalo sa challenge na ito ay binigyan ni Mariel ng 10,000 worth of Gift Certificate na maaari niyang gamitin sa Sm department store kaya naman laking pasasalamat rin ng kaniyang mga maids na napakabuti ng kanilang Amo.

Image courtesy: Youtube/marielpadilla

Nakakataba nga naman talaga ng puso ang klase ng pagtrato nina Mariel at Robin sa kanilang mga yaya. Ramdam na ramdam ng mga ito na itinuturing silang kapamilya ng mag-asawa. Maging ang anak nina Robin na si Isabella ay magalang ang pag-trato sa kaniyang mga yaya dahil na rin sa tamang pagturo nina Mariel ng mabuting asal.

Image courtesy: Instagram/marieltpadilla
Image courtesy: Instagram/marieltpadilla

Goodjob Mariel and Robin! Sana lahat ng Amo ay ganito kabait katulad niyo!





Leave a Reply

Your email address will not be published.