Ang lalaking anak ni David Beckham na si Brooklyn ay Engaged na sa kaniyang kasintahan sa edad na dalawapu’t isa

Nito lamang buwan ng Hulyo ay inanunsyo na ng matagal nang mag-kasintahan na sina Brooklyn Beckham at Nicola Peltz na sila ay engaged na. Kaya huwag na tayong magugulat kung sa mga susunod na buwan ay makikita o mababalitaan nalang natin na ang dalawa ay kasal na.

Image courtesy: Nicola Peltz/Instagram



Ang nasabing engagement ay nakumpirma nang magbahagi ang dalawa sa kanilang mga social media account. Saad ni Brooklyn Beckham sa kanyang social media account “Two weeks ago I asked my soulmate to marry me and she said yes,”

Image courtesy: Nicola Peltz/Instagram

Dagdag pa niya “I am the luckiest man in the world. I promise to be the best husband and the best daddy one day. I love you baby,”

Image courtesy: Nicola Peltz/Instagram

Si Brooklyn Beckham ay anak ng dating soccer player na si David Beckham at ng dating spice girl na si Victoria Beckham, si Brooklyn ay kasalukuyang 21 taon gulang at isang sikat na photographer.

Image courtesy: Brooklyn Beckham/Instagram



Hindi naman nagpatalo ang kanyang fiancée na si Nicola Peltz at nagpost din umano ito sa kanyang social media account at ang sabi “I can’t wait to spend the rest of my life by your side. Your love is the most precious gift. I love you so so much baby,”

Image courtesy: Brooklyn Beckham/Instagram

Pahayag din ni Nicola na siya ay isa din sa pinakaswerteng babae sa buong mundo dahil nakilala niya si Brooklyn. Si Nicola Peltz ay 25 taon gulang at kilalang American actress na gumanap na sa mga naging paborito nating pelikula tulad ng “The Last Airbender” at “Transformer: Age of Extinction.”

Image courtesy: Brooklyn Beckham/Instagram

Ayon sa isang mapagkakatiwalaang news outlet na UK’s Mirror ay merong source na malapit sa mga Beckhams ang nagbalita na ibinigay na ang todong suporta at blessings ng mga magulang ni Beckham para sa kanilang relasyon at para sa kanilang magiging desisyon. Para din sa ating kaalaman, si Brooklyn Beckham at Nicola Peltz ay pitong buwan ng magkasintahan.





Leave a Reply

Your email address will not be published.