Happy and inlove si Alfred Vargas sa kaniyang asawa na mapagmahal at maaalaga sa kaniyang pamilya

Halos 12 na taon na ang nakakalipas mula ng magkakilala ang aktor na si Alfred Vargas at ang kaniyang asawa na si Yasmine Vargas. Sa ilang taon nilang pagsasama, nagkaroon sila ng dalawang napakagandang anak na babae at bunsong anak na lalaki kung saan pinagmanahan ng mga bata ang looks ng kanilang mga magulang.

Image courtesy: Instagram/alfredvargasofficial



Umabot na sila sa mahigit isang dekada ng pagsasamahan at pagmamahalan kung saan hanggang ngayon ay kilig na kilig pa rin daw si Alfred sa tuwing makikita at makakasama ang kaniyang asawa. Napakaganda nga naman talaga kasi ni Yasmine na tila ba parang hawig nito ang aktres na si Marian Rivera. Kutis pa lamang ay ka-sing puti na ng labanos at mayroon itong napakagandang hubog ng pangangatawan kahit na tatlo na ang anak nito.

Image courtesy: Instagram/alfredvargasofficial
Image courtesy: Instagram/alfredvargasofficial

Sobrang swerte raw ni Alfred at nakilala niya si Yasmine sapagkat sobrang mapagmahala, maalaga at matulungin raw nito sa kaniyang kapwa. Sa katunayan, mahilig rin magbigay ng mga donasyon si Yasmine katulad na lamang ang pagdonate nito ng kaniyang sariling gatas para sa mga sanggol na kinakailangan ng breastmilk. Pitong buwan daw siyang walang mintis sa pag-donate ng kaniyang sariling gatas upang makatulong sa mga ina na katulad niya.

Image courtesy: Instagram/alfredvargasofficial

“After 3 kids, nakita ko sa Amore ko ang isang mabuti at mapagmahal na ina. Napakaswerte ko sa kanya. Thank you, Amore ko @ysmine_vargas2307”, caption ni Alfred sa kaniyang Instagram post.



Hands on raw kasi si Yasmine pagdating sa kanilang mga anak kaya naman lumalaking may respeto, may takot sa Diyos at responsable ang mga bata. Sa katunayan, sa tulong ni Yasmine ay tinuturuan rin nito ang kaniyang dalawang anak na babae na tumulong sa paggawa ng face shield na kanilang ipamimigay sa mga nangangailangan ngayong panahon ng pandemya.

Image courtesy: Instagram/alfredvargasofficial

Bukod sa pagiging hands on Mommy sa kanilang tatlong anak ay sobrang maalaga pa raw nito pagdating kay Alfred kaya naman inlove na inlove pa rin ang aktor hanggang ngayon.

Image courtesy: Instagram/alfredvargasofficial

Kamakailan nga lamang ay kanilang ipinagdiwang ang kanilang anibersaryo at nakuha pa ni Yasmine na maghanda ng isang surpresa para sa aktor. Pinagluto raw nito si Alfred at nagset-up ito ng Stay at home anniversary dinner date para sa kanilang special day.

Image courtesy: Instagram/alfredvargasofficial

“Can’t get over last week’s stay-home anniversary dinner date with Amore ko @yasmine_vargas2307. She prepared a special surprise, authentic Italian dinner which she cooked herself. Pati yung desserts siya gumawa! She did everything. And to my delight, I just sat and ate everything! Ching and Ary did well waiting our table and a fantastic surprise from the two made me and Yasmine teary-eyed…” caption ni Alfred sa kaniyang post.

Image courtesy: Instagram/alfredvargasofficial

Labis labis ang pagmamahal ni Alfred kay Yasmine kung saan hanggang ngayon ay nakakaramdam pa rin ito ng kilig kahit halos 12 years na silang nagsasama. Hindi raw mawawala ang kaniyang pagmamhal sa asawa kahit ano mang pagsubok ang kanilang pagdadaanan.

Image courtesy: Instagram/alfredvargasofficial
Image courtesy: Instagram/alfredvargasofficial

“Wouldn’t mind having my heart quarantined with yours…forever. Happy ako ikaw ang kasama ko sa hirap at ginhawa, umaraw man o umulan, kasiyahan man o kalungkutan, may c0vid man o wala. Alam ko kaya natin itong pagsubok na ito dahil ikaw ang kasama ko @yasmine_vargas2307.” nakakakilig na mensahe ni Alfred para kay Yasmine.

Couple goals nga talaga ang dalawa!





Leave a Reply

Your email address will not be published.