Ibinahagi ni Maja Salvador ang lubos na kasiyahan sa pakikipagrelasyon muli sa kaniyang naging nobyo noon na si Rambo Nunez

Maja Salvador nagbahagi ng kaniyang nararamdaman tungkol sa relasyon nila ni Rambo Nunez
“A Second Chance” ang isa sa mga pinakasikat na pelikula na tumatak sa puso ng mga Pilipino at hindi mo aakalain na mayroon din palang ganito na nangyayari sa totoong buhay.

Image courtesy: Maja Salvador/Instagram

Tulad na lamang ni Maja Salvador na nagbigay ng second chance sa naudlot nilang pagmamahalan ni Rambo Nunez. Si Rambo Nunez ang naging nobyo ng aktres na si Maja Salvador nang siya ay 21 taong gulang pa lamang.

Image courtesy: Maja Salvador/Instagram

Sa isang interbyu sa kanya sa isang programa ni Toni Gonzaga na pinamagatang “I Feel U” ay sinabi niya na kailangan niyang bitawan ang kanilang pagsasamahan dahil noong mga panahon na iyon hindi pa pasok sa showbiz ang kaisipan na pwede ka makipagrelasyon sa hindi nagtatrabaho sa showbiz din.

Image courtesy: Maja Salvador/Instagram

Ngunit sambit din ng aktres pagkalipas naman ng maraming panahon na sila ay nawalay sa isa’t isa, napagisip-isip nito na maaari namang bigyan ng pangalawang pagkakataon ang naudlot nilang pag-iibigan.

Image courtesy: Maja Salvador/Instagram

Paliwanag ng aktres na sa sobrang iksi ng kanilang pinagsamahan noon para bang hindi siya satisfied sa kinalabasan ng kanilang relasyon at mayroong mga pagkakataon umano na nagkikita sila na di sinasadya at nagkakausap ngunit ang pakiramdam niya noong unang mahalin niya ito ay hindi pa din nawawala.

Image courtesy: Maja Salvador/Instagram

Sabi nga ng nakararami na sadyang mapaglaro talaga ang tadhana tulad na lamang sa mga kaganapan na nangyari sa pag-iibigan ni Maja Salvador at Rambo Nunez. Nagtanong umano si Toni Gonzaga sa aktres kung si Rambo na ba talaga.

Image courtesy: Rambo Nunez/Instagram

Ngunit saad naman ng aktres na ang Diyos na ang bahala kung si Rambo na ba talaga ang tinadhana nito sa kanya.

Image courtesy: Rambo Nunez/Instagram

Bahagi din ng aktres na ang pagkakaroon lamang ng anak ang makakapagpapigil sa kanya sa pag-arte at hindi ang pagkakaroon ng asawa.

Noong una walang malinaw na detalye sa relasyon ng aktres kay Rambo Nunez subalit nito lamang nakaraang taon ay inamin niya na silang dalawa ay nagkabalikan na. Sadya ang tadhana na mismo ang gumawa ng paraan upang magkabalikan si Maja Salvador at Rambo Nunez.

Leave a Reply

Your email address will not be published.