Kinilig ang mga Netizens sa mga larawan ni Joseph Marco kasama ang kanyang kasintahan na isang Russian Model

Marami sa mga netizens ang nagalak at namangha ng ipakilala ng hunk na artista na si Joseph Marco ang kanyang kasintahan na isang Russian Model.

Image courtesy: Joseph Marco/Instagram



Nito lamang mga nakaraang linggo ay kinilig ng sobra ang mga netizens sa mga nakapost na larawan ng aktor kasama ang kanyang kasintahan na sobrang cheezy. Sa mga larawang nakapost ay mapapansin at masasabi natin na talaga namang sobrang inlove ang hunk actor, at ang babaeng tinutukoy na kaniyang kasintahan ay ang Russian model na walang iba kundi si Dasha Romanova.

Image courtesy: Joseph Marco/Instagram

Makikita sa Instagram account ng aktor ang mga katagang “Missing Piece” na kung saan tinutukoy nito ang kanyang kasintahan na ipinakilala ni Joseph sa kanyang mga tagahanga at ganun narin sa publiko.

Image courtesy: Joseph Marco/Instagram

Nasambit ng aktor sa kaniyang caption na napapaiyak na lamang siya dahil sa sobrang kasiyahan. Saad pa niya na simula nang makilala niya ang modelo ay hindi niya akalain na mas makikilala pa niya ng lubusan ang kanyang sarili at magagawa niyang isakripisyo ang mga bagay bagay para lamang mapasaya at makasama ang kanyang minamahal.

Image courtesy: Joseph Marco/Instagram



Maliban dito sinabi din ng aktor na dahil nakita na niya ang nawawalang parte ng kanyang pagkatao, siya ay lubos na nagpapasalamat dahil sobra nitong napapasaya ang aktor dahil sa ibinibigay nitong pagmamahal.

Image courtesy: Joseph Marco/Instagram

Ipinarating din ng aktor na lagi siyang nasasabik na makita o makasama lamang at gugulin ang oras na kasama niya ang modelo. Pinuri din niya ang modelo na meron itong napakagandang ugali at sobrang mapagmahal na tao.

Image courtesy: Joseph Marco/Instagram

Nagpasalamat ang aktor sa pagmamahal na kanyang natatanggap galing sa modelo at sinusuklian niya naman ito ng kanyang lubos na pagmamahal din at hindi umano magsasawa at mapapagod ang aktor na mahalin ang modelo hanggang sa kadulu-duluhan, panapos na sambit ng aktor sa kanyang Instagram post.

Image courtesy: Joseph Marco/Instagram

Si Joseph Marco ay dating aktor na mapapanood sa mga palabas tulad ng La Vendetta at Dyesebel at mas nakilala siya ng naging parte siya ng serye na pinamagatang Los Bastardos.





Leave a Reply

Your email address will not be published.