Ibinahagi ni Anjo Yllana ang rason kung bakit tuluyan na siyang umalis ‘Eat Bulaga’

Matapos ang mahigit dalawang dekada na pamamalagi sa tinaguriang “longest noon-time show” sa Pilipinas na Eat Bulaga, malungkot na ibinalita ng host na si Anjo Yllana na tuluyan na niyang lilisanin ang kaniyang karera sa pagiging isang host at miyembro sa noontime show.

Image courtesy: Instagram/anjoyllana

Mahirap man para kay Anjo ang bagay na ito ay buong tapang niyang ibinalita ito sa kaniyang Facebook account upang mapagbigay alam sa kaniyang mga tagasuporta sa show.

“With a heavy heart… I submit my resignation,” pagbabahagi ni Anjo sa kaniyang Facebook account.

Image courtesy: Instagram/anjoyllana

Mabigat man sa kaniyang loob ay laking pasasalamat ni Anjo na siya ay naging parte ng ‘Eat Bulaga’ at nakasama ang kaniyang mga co-host na ngayon ay naging parte na ng kaniyang buhay at tinuturing na niyang bilang kaniyang mga kapamilya.

Image courtesy: Instagram/anjoyllana


“Thank you, Dabarkads. Thank you ‘Eat Bulaga.’ 21 years and it was a blast. Goodbye and all roads to your 50th.”, dagdag pa ng komendyante sa kaniyang mensahe.

Image courtesy: Instagram/anjoyllana

Kaugnay nito ay marami ang nalungkot sa naging pahayag ni Anjo lalong-lalo na ang kaniyang mga tagahanga at ilan pang kasama sa trabaho. Ganoon pa man, buo na ang naging desisyon nito lalo na at malaki ang naging epekto sa kaniya at sa kaniyang pamilya dahil na rin sa kasalukuyang pinagdadaanan nating pandemiya. Sa isang eksklusibong panayam kay Anjo, nabanggit ng aktor ang ilan sa mga dahilan kung bakit nagdesisyon siyang magpasa ng resignation letter sa ‘Eat Bulaga’.

Image courtesy: Instagram/anjoyllana

Isang rason na rin kung bakit naisipan na niyang hindi ipagpatuloy ang kaniyang kontrata ay dahil delikado sa panahon ngayon ang pakikisalamuha sa ibang tao. Lalo na ang kanilang segment na ‘Bayanihan’ na kinakailangan mag-ikot sa iba’t ibang barangay.

Image courtesy: Instagram/anjoyllana

Kwento rin ni Anjo halos ilang buwan na rin itong pansamantalang natigil sa trabaho dahil hindi pa maaaring makapag-ikot sa iba’t ibang barangay ang ‘Eat Bulaga’ sapagkat ipinagbabawal pa ngayon ang pakikisalamuha sa mga tao.

Image courtesy: Instagram/anjoyllana

Inaalala rin ng aktor na baka raw umabot pa ng 2 years ang pandemyang ito at mahihirapan siya kung wala itong trabaho. Family pa rin ang priority ni Anjo kaya naman nagdesisyon na lang ito na huminto na sa kaniyang karera sa noontime show na ito.

Image courtesy: Instagram/anjoyllana
Image courtesy: Instagram/anjoyllana

Sa kasalukuyan ay naghahanap ng mga paraan ang aktor upang matustusan ang pangangailangan ng kaniyang mga anak at sa katunayan ay mayroong mga balitang lumabas na magiging host din siya ulit ng isang noon-time show sa Net25 na pinapatakbo ng Eagle Broadcasting Corp.

Pumirma na nga daw ng kontrata si Anjo noong Aug.10 at inaasahang mag-uumpisa ang nasabing show sa Setyembre o Oktubre matapos ma-ayos ang magiging pangalan nito at iba pang papeles. Ganoon pa man, wala pang kumpirmasyon ang aktor sa nasabing mga balita.



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *