Sabi ng mga taong batikan na pagdating sa buhay, “habang kaya pa ng katawan, magtrabaho para sa kinabukasan. Kahit anong klase ng trabaho pasukin, ang mahalaga marangal ang ikinabubuhay. Walang sinasagasaang tao at kahit sino.”

Sa panahon ngayon, sa nararanasan at kinakaharap na pagsubok ng ating bansa, lahat tayo apektado, mayaman man o mahirap. May negosyo man o wala. Kaya naman gumagawa ng hakbang ang ating pamahalaan para maiwasan ang pagkahawa at pagkalat ng nasabing pandemya.
Kailangan din nating tulungan ang ating mga sarili upang hindi nalang tayo nakaasa sa kung ano ang maibibigay na tulong sa atin ng kung sinuman na tao. Katulad na lamang ng aktor na si Eric Fructuoso, na kung saan ay lubos ding naapektuhan sa kadahilanang ang kaniyang pinagtatrabahuan ay napasara.

Kaya sa tingin na solusyon ni Eric ay kailangang magdoble-kayod o magkaroon pa ng marangal at hindi ikinahihiyang pagkakakitaan ngayong pandemya, at para sa kaniya isa na rito ang pamamasada ng tricycle.
Kaya naman, noong Agosto 11, Martes, sa taong kasalukuyan ay hindi niya ikinahiyang ibahagi o ipakita sa kaniyang Instagram account ang larawan na kung saan ay makikitang siya ay namamasada.

Nasabi na nga lang ng aktor sa kanyang social media account na sa mga ganitong panahon ay hindi na pwede ang mapili sa trabaho at hanggat maari lamang ay meron pinagkakakitaan sa legal na pamamaraan para sa kanyang pamilya.
Ang nasabing larawan ay nakunan sa Naic, Cavite at marami sa mga tagahanga niya ang nagulat at namangha sa kaniyang ginawa, at marami ang sumang-ayon sa kaniya.

Ngunit sa kabila nito, ay nilinaw naman ng aktor na hindi talaga siya totoong namamasada. Ginawa niya lamang ito upang makapagbigay ng inspirasyon at maging modelo para sa maraming Pilipinong nawawalan ng pag-asa sa buhay.

Lahat tayo nakakaranas ng pagsubok sa buhay, ika nga, walang pagsubok na ibinigay ang Diyos na hindi natin kayang lagpasan. Kaya wag tayong mawalan ng pag-asa, ika nga, habang may buhay may pag-asa.