Ang Dating Childstar na si Xyriel Manabat ay isang ganap nang napakagandang dalaga ngayon

Hindi biro para sa isang magulang ang magdesisyon na bigyang permiso ang kaniyang anak na pagtrabahuin ito sa murang edad dahil inaalala din nila ang edukasyon ng kanilang anak.

Image courtesy: Xyriel Manabat/Instagram




Gayunpaman, marami sa mga magulang ang ninanais na isabak na agad ang kanilang anak sapagkat nabiyayaan ng talento ang kanilang anak dahilan upang magpasok ng sapat na kita para sa kanilang pamilya.

Image courtesy: Xyriel Manabat/Instagram

Gaya na lamang ng batang si Xyriel Manabat na isang childstar noon na gumanap sa iba’t-ibang teleserye at kinagiliwan ng mga Pilipinong manunuod. Si Xyriel Manabat ay nagsimulang pumasok sa pag-aarte noong siya’y nag-audition sa Star Circle Quest: Search for Next Kiddie Idol noong 2009 at siya’y itinanghal na 3rd place winner sa nasabing kompetisyon.

Isa sa mga pinakamatagumpay na pinagbidahang teleserye ni Xyriel Manabat na kung saan siya ay tumanggap ng napakaraming award ay ang Agua and Bendita, Momay, at 100 Days to Heaven. Dito mas nakilala ang batang si Xyriel dahilan upang mamayagpag ang kaniyang pangalan sa industriya.

Image courtesy: Xyriel Manabat/Instagram

Gayunpaman, ang dati-rating bata na kinagigiliwan ng mga manunuod ay isa na ngayong ganap na dalaga at tila hindi mo aakalain na ito na ngayon ang kaniyang pisikal na hitsura. Si Xyriel ay kasalukuyang 16 taong gulang na kung saan siya’y ipinanganak noong Enero 27, 2004.

Image courtesy: Xyriel Manabat/Instagram




Sa murang edad ay napakarami nang naabot ni Xyriel Manabat, mga parangal at biyaya para sa kaniyang sarili at para sa pamilya na rin nito. Hindi nakakapagtaka na mayroon nang sapat na ipon ngayon ang dalaga kahit hindi na ito masiyado aktibo sa industriya ng show business.

Image courtesy: Xyriel Manabat/Instagram

Siguradong marami sa mga umiidolo kay Xyriel hanggang ngayon ay masayang-masaya na makita siyang lumaki bilang isang napakaganda at mabuting dalaga. Nawa’y napakaraming biyaya pa ang dumating sa buhay ng dating child star na ito.

Image courtesy: Xyriel Manabat/Instagram

Isa lamang ito sa patunay na napakabilis ng panahon at hindi natin namamalayan na ang ating mga iniidolo ay mabilis ring nagkakaedad katulad nating bawat indibidwal.




Leave a Reply

Your email address will not be published.