Para sa aktres na si Jolina Magdangal, ang pagiging isang Ina ay isa sa pinaka dabest feeling na kaniyang naramdaman sa kaniyang buhay dahil madalas nitong banggitin sa kaniyang mga Instagram posts na napakasarap ang maging isang Mommy.


Katulad ng ibang mga working moms, naranasan rin ni Jolina ang hirap sa pag-aalaga sa kaniyang mga anak lalo na noong baby pa ang mga ito kung saan kahit sa kaniyang mga taping ay kasa-kasama niya ang kaniyang bunsong anak sapagkat kinakailangan nitong magpa-breastfeed sa kaniyang baby.


Subalit kahit anong hirap ang kaniyang naranasan ay tila ba sanay na sanay na si Jolina sa pagiging isang Ina sapagkat madalas nitong ibahagi sa kaniyang mga Instagram posts na napakasarap raw maging isang Nanay.
Kaya naman habang wala pa itong mga proyekto sa industriya dahil na rin sa quarantine protocols, sinusulit ni Jolina ang bawat oras na kaniyang maaaring mailaan sa kaniyang mga anak maging sa kaniyang asawa kahit na sila ay nasa loob lamang ng kanilang tahanan.

“Gusto namin lagi iparamdam sa mga anak namin na ‘our home will always be the happiest place. At mas nagiging espesyal pag kami ay sama sama”, pagbabahagi ng aktres.

Importante para sakanila na maramdaman ng mga bata ang true happiness sa kanilang pamilya sapagkat ito ang susuporta at magmamahal sakanila ng buong buo bago pa man sila makisalamuha sa ibang tao.


Kaya naman hanggat maaari ay ipinaparamdam ni Jolina sa kaniyang mga anak ang kasiyahan at excitement sa loob ng bahay upang tumatak ito sa isip ng mga bata hanggang sa kanilang pagtanda.


Bilang bonding moment, laging nag-iisip ng paraan ang aktres na maging exciting ang kanilang everyday lives lalo na ngayon na hindi pa maaaring lumabas ng bahay. Kaya naman bukod sa pagfocus nito sa homeschooling ng kaniyang anak na si Pele, naglalaan rin ito ng oras para sa kanilang playtime at leisure activities upang hindi ma-bored ang mga bata.

“Ang saya namin kagabi at ramdam na ramdam ko na extra saya sina Pele at Vika. Naglatag kami sa sala at kunyari mag overnight kami sa ibang lugar (literal na ibang lugar… ng bahay. Hahaha) Libre lang ang mag imagine”, kwento nito sa kaniyang Instagram post.


Bukod sa kanilang mga playtime ay madalas rin daw humiga ang mga ito tuwing hapon at walang ibang gagawin kung hindi ang makipaglambingan sa mga bata. Ito raw kase ang pinakamasarap na parte pagdating sa pagiging isang Ina, ang cuddle time kasama ang mga bata.



Para sa aktres, nais niyang turuan ang kaniyang mga anak na makita ang happiness sa mga maliliit na bagay o simple things in life upang maiparamdam ang kaniyang pagmamahal sa mga ito. Hindi kinakailangan na magtravel pa sa ibang lugar o bumili ng mamahaling gadget, ang simpleng paglalaan ng oras para sa mga bata ay siyang magbibigay ng kasiyahan sa kaniyang mga anak.