Jillian Ward, ipinasilip ang kaniyang pangalawang bahay na kasalukuyang ipinapagawa sa Pampanga

Sa murang edad pa lamang ay kapansin-pansin na ang pagsusumikap ng batang si Jillian Ward upang makapasok sa mundo ng show business. Una siyang nakita ng publiko bilang commercial model ng isang kilalang brand ng gatas hanggang sa mabigyan ito ng “big break” at bumida sa kilalang TV show ng GMA na “Sine Novela Trudis Liit.” Dito ay ginampanan niya ang role bilang si Gertrudis “Trudis” Capili.

Image courtesy: Instagram/jillian



Ito ang naging simula ng kaniyang pagsikat at sunod-sunod ng nagkaroon ng proyekto sa nasabing network kaya naman hindi nakakapagtaka na marami na rin siyang naipon mula sa kaniyang pagtatrabaho sa loob ng mahigi’t kumulang sampung taon.

Image courtesy: Instagram/jillian

Sa kasalukuyan ay labing-limang taong gulang na si Jillian at dalagang-dalaga na kung umasta ang aktres kung saan isa na rin siya sa mga artista na pinasok ang mundo ng Youtube vlogging.

Image courtesy: Instagram/jillian

Marami na ang naipundar ni Jillian mula nang tinahak nito ang karera sa industriya kaya naman nakayanan niyang magpagawa kasalukuyan ng kaniyang ikalawang bahay.

Image courtesy: Instagram/jillian



Sa isang video ng aktres ay ipinakita nito ang kasalukuyang ipinapatayong bahay sa probinsiya ng Pampanga, ang lugar na malapit sa kaniyang puso dahil doon siya lumaki.

Tatlong palapag ang nasabing bahay ng aktres at sa kaniyang mga Instagram post ay kapansin-pansin ang malawak na espasyo nito pati na rin ang mga luntiang puno sa paligid.

Image courtesy: Instagram/jillian

“Another blessing l, almost done! Thank you Lord for everything!”,caption ni Jillian sa isa sa mga larawang ibinahagi niya sa social media.

Image courtesy: Instagram/jillian

Mapapansin na may kalakihan ang ipinapatayong bahay ni Jillian kung saan katuwang rin nito ang kaniyang mga magulang sa pagpaplano ng kanilang bahay. Maging sa posisyon ng mga bintana ng bawat kwarto at kung anu-anong materyales ang mas mainam na gamitin ay maiging pinag dedesisyunan ni Jillian at ng kaniyang mga magulang.

Image courtesy: Instagram/jillian

Tila excited na ang aktres na matirahan nito ang kaniyang bagong bahay kung saan sa katunayan ay mayroon na itong naiisip na disenyo para sa kaniyang sariling kwarto.

Image courtesy: Instagram/jillian

“My room is well-lit because I don’t like it very dark. Maybe I can place a sheer curtain here but my mom wants blinds. But, I don’t like blinds. I also like to paint my ceiling with sky or Van Gogh’s painting in there”, kwento nito.

Image courtesy: Instagram/jillian

Marami ngang netizens ang humanga kay Jillian at karamihan sa kanila ay na-inspire sa kaniyang kwento lalo na at sa murang edad pa lamang ay alam na nito kung papaano niya gagamitin sa tama ang pera na kaniyang pinaghirapan.





Leave a Reply

Your email address will not be published.