Nadine Samonte, maligaya sa kaniyang simpleng pamumuhay sa probinsiya na naglalaba at nagluluto para sa kaniyang pamilya

Kasalukuyang happy and contented sa kaniyang buhay ang aktres na si Nadine Samonte sa ngayon sapagkat araw araw nitong kasama ang kaniyang sariling pamilya simula nang pinili nitong lumisan muna sa showbiz industry.

Image courtesy: Instagram/nadinesamonte



Ayon sa mga Instagram posts ni Nadine, makikita sa kaniyang mga ngiti ang happiness na kaniyang nararamdaman ngayon lalo na noong tuluyan siyang naging focus sa pagaalaga ng kaniyang pamilya. Mas nais raw kasi nitong maging hands on at tutok sa kaniyang mga anak lalo na at mga bata pa ang mga ito.

Image courtesy: Instagram/nadinesamonte
Image courtesy: Instagram/nadinesamonte

“Yes i love washing and ironing and cleaning mas gusto ko hands on ako sa ibang bagay kasi minsan our kids follow what we do. Thats the reason din kung bakit wala ako sa showbiz im enjoying every minute na kasama ko mga anak ko and my fam. I love doing anything for them…” kwento ni Nadine sa kaniyang Instagram post.

Image courtesy: Instagram/nadinesamonte
Image courtesy: Instagram/nadinesamonte



Sa katunayan, halos magtatatlong buwan na rin silang umuwi sa kanilang probinsya kung saan mas naging maluwag ang kanilang pakiramdam sapagkat safe and healthy sila dito kumpara sa pagtira sa Maynila.

Image courtesy: Instagram/nadinesamonte
Image courtesy: Instagram/nadinesamonte
Image courtesy: Instagram/nadinesamonte

Napakasarap ng buhay ngayon ni Nadine kasama ang kaniyang pamilya. Kahit na wala na ito sa industriya ay marunong itong rumaket at mag-isip ng inenegosyo para sa future ng kaniyang pamilya. Sa katunayan, nasubukan na ng aktres na magbenta ng kanilang mga harvest sa kanilang farm na mga mangga at santol.

Image courtesy: Instagram/nadinesamonte

Maging ang pagbenta ng dried fish ay nasimulan na rin ni Nadine kung saan ibinabahagi niya ito mismo sa kaniyang Instagram posts upang mas dumami ang kaniyang mga suki. Mahilig raw kasi siya sa mga dried fish tulad ng danggit at dilis kaya naisipan nitong magbenta ng mga dried fish na galing pa sa Masbate.

Image courtesy: Instagram/nadinesamonte
Image courtesy: Instagram/nadinesamonte

Ayon sa aktres, hindi nito ikinakahiya ang pagbenta ng kung ano-ano sa social media sapagkat sa panahon na ito ay ang kailangan raw natin ay diskarte at tiyaga dahil mahirap ang buhay.

Image courtesy: Instagram/nadinesamonte
Image courtesy: Instagram/nadinesamonte

Kaya naman maraming netizens ang hanga kay Nadine dahil bukod sa pagiging masipag na Nanay ay napaka ma-diskarte rin nito pagdating sa buhay. Mas pinili niyang lumisan sa industriya at tumutok sa kaniyang pamilya kahit siya mismo ang maglaba at maglinis ng kanilang bahay. Ang simpleng pamumuhay ang isa sa pinaka masarap na pakiramdam sa lahat sapagkat hindi mo kinakailangan ng mamahaling mga bagay upang maging masaya.

Image courtesy: Instagram/nadinesamonte
Image courtesy: Instagram/nadinesamonte
Image courtesy: Instagram/nadinesamonte

Para sa aktres, masaya ito na napagsisilbilhan niya ang kaniyang asawa at mga anak dahil namamaximize nito ang kaniyang oras at naipapadama ang kaniyang pagmamahal sa kaniyang pamilya.





Leave a Reply

Your email address will not be published.