The Voice Kids Winner si Lyca Gairanod, emosyonal na ipinakita ang kaniyang luma at tagpi-tagping bahay noon

Ibang-iba na nga ang buhay ngayon ni Lyca Gairanod matapos niyang tanghalin bilang grand winner ng kauna-unahang season sa Kapamilya TV show na “The Voice Kids Philippines” noong taong 2014. Maliban kasi sa mga natanggap niyang premyo sa nasabing patimpalak ay sunod-sunod rin ang mga proyekto na kaniyang ginawa kagaya na lamang ng mga song recordings at TV commercials.

Image courtesy: lycagairanod/instagram



Kaya naman, biglang guminhawa ang buhay ng kanilang pamilya at nakalipat rin agad sa bago nilang bahay. Ganoon pa man, hindi pa rin nakakalimutan ng batang singer ang lugar na kaniyang pinanggalingan at sa katunayan ay muli niya itong binalikan.

Image courtesy: lycagairanod/instagram

Makikita sa kaniyang Youtube vlog ang payak nilang pamumuhay noon sa tagpi-tagping bahay na matatagpuan malapit sa dagat. Nandoon din ang kaniyang lola na siyang nakatira sa lumang bahay at ayon kay Lyca, mas gusto ng matanda na manirahan sa simpleng bahay na iyon kaya naman hinayaan na rin nila itong tumira doon.

Image courtesy: lycagairanod/youtube

Maliban sa mga kagamitan na kaniyang ipinakita sa loob ng bahay ay ibinahagi rin ni Lyca ang ilan sa mga ala-ala niya rito noong siya ay bata pa. Isa na nga sa mga ito ang madalas niyang pagpunta sa tabing-dagat upang doon mag-vocalization at mas lalo pang mahasa ang kaniyang talento sa pagkanta.

Image courtesy: lycagairanod/youtube



Nabanggit rin ng batang singer na nakailang beses na nilang inayos ang kanilang bahay dahil madalas itong masira sa tuwing darating ang malakas na bagyo. Kaya naman ganoon na lamang ang kaniyang saya nang makita itong nakatayo pa rin sa kabila ng mahabang panahon na lumipas.

Image courtesy: lycagairanod/youtube

“Marami nang nabago dito sa bahay. Kasi diba kapag may bagyo mayroong nagkakaproblema dito kaya ayon. Pero hindi pa rin siya tuluyang nasisira. Ang strong ha!”,pahayag ni Lyka sa kaniyang house tour vlog.

Image courtesy: lycagairanod/youtube

Sa kabila nga ng karangyaan na kaniyang tinatamasa ngayon ay nananatiling nakatapak ang mga paa ni Lyca sa lupa at lubos ang pasasalamat niya sa bahay na kanilang tinirahan dahil isa ito sa mga naging inspirasyon upang mas lalo siyang magsipag at maging determinado sa pag-abot ng kaniyang pangarap. Dahil dito ay hindi niya napigilang maging emosyunal at napaiyak na rin kasabay ng kaniyang lola.

Image courtesy: lycagairanod/youtube

“Ang sarap tumira sa ganitong klase ng bahay dahil sobrang presko. Hindi ko makakalimutan kung saan ako nanggaling at hanggang ngayon gusto kong binabalik-balikan ang bahay na ito. Pero thankful pa din ako sa mga blessings na natatanggap ko sa ngayon lalo na at nakakakain kami ng pamilya ko ng maayos.”, dagdag pa niya.

Image courtesy: lycagairanod/instagram
Image courtesy: lycagairanod/instagram

Tunay ngang isang mabuting ehemplo sa kabataan si Lyka dahil sa kabila ng karangyaan na kaniyang nararanasan ay marunong pa rin siyang bumalik at magpasalamat sa kaniyang pinanggalingan lalo na sa mga taong tumulong sa kaniya upang maabot niya ang kaniyang mga pangarap.





Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *