Ang aktres na si Jolina Magdangal ay kabilang na rin sa mga tinagurian na Plantitas

Sa panahon ngayon marami sa ating mga kababayan ang naghahanap ng mga bagay na kanilang mapaglilibangan. Isa sa mga libangan na nanaig sa karamihan ng tao ay ang pagtatanim at pagpapalaki ng mga halaman na kung saan binubuhos na lahat nila ang kanilang oras upang mapaganda at mapalago ito.

Image courtesy: Jolina Magdangal/Instagram



Kung kaya ating mapapansin madaming mga programa ang mga lokal na gobyerno na kung saan ginagantimpalaan nila ang mga tao na merong may magagandang pananim at bakuran.

Kabilang sa mga naging plantita ay ang aktres na si Jolina Magdangal na kung saan sinasama na rin niya ang kanyang pamilya upang mag palaki at mag-alaga ng mga halaman. Nito lamang nagdaang Septyembre 1 ay makikita sa kanyang Instagram post ang isang larawan na tila siya ay maglilipat ng halaman sa ibang paso kasama ang kanyang anak na lalaki.

Image courtesy: Jolina Magdangal/Instagram

Saad ng aktres sa kanyang post na ito ang kauna-unahan niyang paglilipat ng halaman sa ibang paso. Dagdag pa niya na sana ay kabilang siya sa mga tao na mabilis mag palaki at mag pataba ng halaman o mas kilala sa tawag na “Green Thumb”.

Image courtesy: Jolina Magdangal/Instagram



Nagawa umano ito ng aktres dahil para sa kanya ang pagtatanim at pag- aalaga ng mga halaman ay nagbibigay ng kapanatagan ng isipan at ehersisyo na din mismo, lalo na sa mga nararanasan natin ngayon na sadyang nakakaapekto sa kalusugan, at maging pisikal at emosyonal lalo na ng ating isipan.

Image courtesy: Jolina Magdangal/Instagram

Ayon din sa aktres na minsan natutuwa siya sa kanyang anak na si Vika dahil kinakausap umano nito ang mga halaman na tila baga ito ay nakakapagsalita din. Ngunit sa kabila ng mga aktibidad na ginagawa ng aktres kasama ang pamilya ay nalulungkot pa din siya sa sinapit ng pinagtatrabahuan niyang network.

Image courtesy: Jolina Magdangal/Instagram

Saad ng aktres na mabigat ang kanyang pakiramdam sa nangyare lalo na sa mga nawalan ng trabaho kung kaya hindi lang pagtatanin ang ginagawa niya para maibsan ang kalungkutang nararamdaman, sinasabayan din niya ito ng mataimtim na pagdarasal na sana bumalik na ang ating mundo sa normal.





Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *