Ibinahagi ni Baron Geisler ang masaya at mapayapang pamumuhay kasama ang kaniyang asawa at anak

Tunay nga na mayroong mga tao na kahit ilang beses nang nadapa at naligaw ng landas sa buhay ay patuloy pa ring bumabangon sa kadahilanang sila’y sumusubok at pursigido din na baguhin ang kanilang hindi magandang gawi.

Image courtesy: Baron Geisler/Instagram



Tulad na lamang ng artista na si Baron Geisler na minsan nang nagkamali nang paulit-ulit ngunit patuloy na bumabangon. Marami noon sa mga taong nagmamahal at sumusuporta sa kaniya’y sinukuan na siya sapagkat hindi siya nagtatanda sa kaniyang mga hindi magandang gawi.

Image courtesy: Baron Geisler/Instagram

Gayunpaman, ang buhay ngayon ni Baron ay malaking kasalungat kumpara noon dahil na rin natagpuan na rin ng kaniyang puso ang matagal nang nawawalang piraso nito.

At ito ay ang magkaroon ng mapagmahal na asawa na inilagay siya sa tamang landas at wastong katayuan at pag-iisip sa buhay. Dagdag pa rito ang magkaroon ng anak, isang buong pamilya na kaniyang naging inspirasyon upang magbago ng kaniyang sarili.

Image courtesy: Baron Geisler/Instagram

Ang bagong Baron Geisler ngayon ay nagbabahagi na ng mga positibong pangyayari sa kaniyang buhay, isang patunay lamang na malayo na ang kaniyang pag-uugali kumpara noon na isang basagulero at mainitin ang ulo na tao.

Image courtesy: Baron Geisler/Instagram



Ibinahagi ni Baron Geisler sa kaniyang IG account napakasimple at masayang pamumuhay kasama ang kaniyang asawa na si Jamie Marie Geisler at kanilang baby Girl na si Talitha Cumi Geisler.

Image courtesy: Baron Geisler/Instagram
Image courtesy: Baron Geisler/Instagram

Laking tuwa ng mga netizens na malaki na ang pagbabago sa buhay ng aktor at talagang nakikita nila na namumuhay na sila ng mapayapa at maligaya.

Ang aktor na si Baron Geisler ay nakilala sa industriya dahil sa kaniyang kagalingan sa pag-arte na mayroong mga katangian na kalakasan ng karisma at versatility pagdating sa pag-arte. Siya ay naging laging laman ng mga balita at kontrobersiya bago kaniyang marating ang buhay na tinatamasa niya ngayon.

Image courtesy: Baron Geisler/Instagram
Image courtesy: Baron Geisler/Instagram

Makalipas ang ilang taon na palaging laman ng mga gulo sa iba’t-ibang pangyayari, matagumpay si Baron na baguhin ang kaniyang buhay at ayon pa sa aktor, ang lahat ng dahilan nito ay nagmula sa panginoon mula nang siya’y nagbalik-loob sa buhay Kristiyano.





Leave a Reply

Your email address will not be published.