Napahanga ni Jinkee Pacquiao ang mga netizens sa kanyang mga mamahaling koleksyon ng iba’t ibang mga halaman

Madami sa ating mga kababayan ngayon ang nahilig na sa pag-aalaga at pagtatanim ng mga halaman, dahil ito ang paraan nila upang maibsan ang lungkot at pagkainip sa panahon ng pandemya. Ang pag-aalaga ng halaman ay isa sa pinakamagandang gawin sa panahon ngayon upang marelax ang utak at maging healthy ang paligid.

Image courtesy: Jinkee Pacquiao/Instagram

Kabilang na rito si Jinkee Pacquiao na nagbahagi ng mga litrato ng kanyang mga kolekyon na halaman na talaga namang mapapasabi ka na lang ng sana all at wow sa sobrang ganda ng mga ito.

Image courtesy: Jinkee Pacquiao/Instagram

Kung kaya tinagurian din siya na “Plantita ng taon” ng mga netizens. Sa post ni Jinkee makikita ang dalawang litrato niya na may kasamang dalawang malaking halaman sa bandang likuran at ito ay tinatawag na “Variegated Alocasia Elephant Ear”.

Image courtesy: Jinkee Pacquiao/Instagram

Ayon naman sa isang interview ng isang kilalang news outlet, ay may nakilala silang tao na meron ding alagang halaman tulad ng kay Jinkee, at sinasabi na baka maswerteng nabili umano ni Jinkee ang nasabing halaman sa halagang 30,000 pesos. Dahil noong huling pagkakaalam niyang presyo nito ay nasa 25,000 na kung saan meron itong taas na 3 feet.

Image courtesy: Jinkee Pacquiao/Instagram

Madaming netizens ang nag pabatid ng kanilang paghanga sa mga iba’t ibang koleksyon ng mga halaman ni Jinkee. Meron sa mga ito na nag sabi na si Jinkee na ang nanalo sa lahat ng mga Plantito at Plantita. May nakapagbanggit din na siya na ang “Plantita of the Year”. May pabiro pa nga na nag komento na baka sakali ito ay masarap dahil sa tingin palang ay mamahalin na.

Image courtesy: Jinkee Pacquiao/Instagram

Maliban sa mga mamahaling halaman na koleksyon ni Jinkee sa kanyang ipinost sa Facebook account ay ipinakita din umano niya sa publiko ang kanilang private resort sa Saranggani at konting pasilip sa kanilang buhay probinsya sa pamamagitan ng isang Vlog.

Image courtesy: Jinkee Pacquiao/Instagram

Si Jinkee Pacquiao ay ipinanganak noong Enero 12,1979 at asawa siya ng ating pambansang kamao na si Manny Pacqiuao, kasalukuyang mayroon silang 5 anak.

Leave a Reply

Your email address will not be published.