Ito na ang maginhawang buhay ni Rita Gaviola o ‘Badjao Girl’ makalipas ang ilang taon bago ito magtrending sa media

Mahigit apat na taon na rin ang nakakalipas simula nang maging viral sa social media ang stolen shot ng isang dalagang katutubo na nagmula sa Lucban, Quezon na si Rita Gaviola.

Image courtesy: Instagram/itsritagaviola



Kung naalala niyo pa siya, binansagan siyang ‘Badjao Girl’ sa social media kung saan mas nakilala at marami ang namangha sa kaniyang angking ganda.

Image courtesy: Instagram/itsritagaviola

Napakahirap lamang ng buhay noon ni Rita bago pa man ito makilala sa industriya kaya naman laking pasasalamat nito ngayon sa mga netizens sapagkat dahil sa litratong ito ay nagkaroon siya ng tyansang magkaroon ng panibago at maginahawang pamumuhay.

Image courtesy: Instagram/itsritagaviola

Sa kabutihang palad ay naging daan ang photographer na si Topher Quinto Burgos upang maiba ang estado ng buhay nito.

Image courtesy: Instagram/itsritagaviola

Masasabi ngang mahirap ang naging buhay noon ng dalaga dahil kinakailangan niyang mamalimos sa kalye upang makatulong sa kaniyang pamilya sapagkat siya lamang ang naging katuwang ng mga ito sa pag-aalaga ng kaniyang mga kapatid.

Image courtesy: Instagram/itsritagaviola



Subalit ngayon ay tila maginhawa na ang kaniyang buhay kasama ang kaniyang pamilya. Marami na rin itong naipundar sa kaniyang mga natanggap na proyekto kung saan nakapag-ipon na ito at naipatayo na niya ang kanilang sariling tahanan.

Image courtesy: Instagram/itsritagaviola
Image courtesy: Instagram/itsritagaviola

Sa kasalukuyan ay hindi na ganoon ka-aktibo ang karera niya sa show business ngunit patuloy pa rin naman ang pagtanggap niya ng mga proyekto patungkol sa pagmomodelo.

Image courtesy: Instagram/itsritagaviola
Image courtesy: Instagram/itsritagaviola

Magandang pagkakataon rin ito para kay Rita dahil nais niya munang pagtuunan ng pansin ang kaniyang pag-aaral upang maabot ang matagal niya nang pangarap na balang-araw ay maging isang ganap na guro. Nag-focus na lamang muna din ito sa pag-aalaga sa kaniyang pamilya sapagkat para kay Rita ay ibibigay nito ang lahat para sa kaniyang mga magulang.

Image courtesy: Instagram/itsritagaviola
Image courtesy: Instagram/itsritagaviola
Image courtesy: Instagram/itsritagaviola

Isa si Rita Gaviola sa mga kilalang personalidad sa social media na masasabi mo talagang from “rags to riches’ ang kaniyang success story.

Image courtesy: Instagram/itsritagaviola

Talaga namang kakaiba ang ganda at talento na taglay ni Rita kaya naman hindi nakakapagtaka na umani siya ng maraming tagahanga sa social media.





Leave a Reply

Your email address will not be published.