Larawan ni Kris Aquino kasama ang kanyang anak na si Bimby ikinagulat ng mga netizens dahil sa labis na katangkaran nito

Bawat magulang ay masayang nakikita at nasusubaybayan ang paglaki ng kanilang mga anak. Kaya naman, masaya at proud sila na ibahagi o ipakita sa mga tao ang mga pagbabago, kasama na rin ang mga nakamit ng kanilang mga anak.

Image courtesy: Kris Aquino/Instagram



Tulad na lamang ng isang kilalang aktres at tinaguriang “Queen Of All Media” na si Kris Aquino na nagbahagi ng larawan na kasama ang kanyang bunsong anak na si Bimby na talaga namang ikinagulat ng madaming netizens sa kanilang napansin.

Image courtesy: Kris Aquino/Instagram

Kasalukuyang si James Aquino Yap Jr. o mas kilala sa pangalang Bimby ay 13 taong gulang at makikita naman sa larawan na sadyang ang laki ng itinangkad nito. Sino nga ba naman ang hindi tatangkad ng ganyan kung ang iyong ama ay isang kilala at sikat na basketboslista.

Saad ng aktres sa kanyang Instagram post ay kapansin-pansin naman na talagang malaki na ang itinangkad ng kanyang anak na si Bimby at lalo pa ito umanong tumatangkad sa bawat araw, buwan at taon na lumilipas.

Image courtesy: Kris Aquino/Instagram



Marami sa mga netizens ang nagulantang sa kanilang nakita dahil hindi nila inaakala na ganun na ang inilaki ni Bumby sa maikling panahon. Dahil dito, hindi napigilan ng isang netizen na magtanong sa aktres kung sino sa kanyang dalawang anak ang mas matangkad.

Saad naman ng aktres na mas matangkad pa din ang kanyang panganay na anak na si Josh dahil ito ay mayroong taas na 6’2 na mas lamang pa kay Bimby ng isa at kalahating pulgada.

Image courtesy: Kris Aquino/Instagram

Maliban sa mga nagulat na netizens ay napahanga din ang mga kapwa artista ni Kris, tulad na lamang ni Erich na napasabi na lamang na sobrang tangkad na ni Bimby. Hindi din makapaniwala ang singer na si Darren Espanto at napasabi na lamang ng No way.

Image courtesy: Kris Aquino/Instagram

Ang paliwanag lamang ni Kirs Aquino kung bakit ganyan katangkad ang kanyang anak na si Bimby dahil umano ito sa DNA ng kanyang ama na alam naman natin na isang basketbolista at nasabi din niya na tulad ng aktres, ang kanyang anak na si Bimby ay mahilig at malakas ding uminom ng gatas.





Leave a Reply

Your email address will not be published.