Ibinahagi ni Joross Gamboa ang paraan niya ng pagdidisiplina at pagpapalaki sa kaniyang mga anak

Alam nating hindi madali ang magpalaki ng mga anak. Marami tayong pagdadaanang hirap at pagod. Gaano man kahirap at kabigat ang kanilang nararanasan sa pagpapalaki ng mga anak ay hindi nila ito alintana. Para sa kanila ang mga anak ang pinakamagandang biyayang natanggap nila sa Panginoon at ito ang simbolo ng kanilang matamis at masayang pagmamahalan bilang mag-asawa.

Image courtesy: Joross Gamboa/Instagram

Hindi lamang ang ina ang may responsibilidad na magpalaki at mag-alaga ng mga anak. Dahil mahalaga na pareho kayong mag-asawa ang nag-aalaga at sumusubaybay sa mga anak at nabibigyan ng tama at naipaparamdam sa kanila ang buong pagmamahal bilang isang magulang.

Image courtesy: Joross Gamboa/Instagram

Katulad na lamang ni Joross Gamboa na kung saan ay maraming mga netizens ang naaliw at humanga sa mga binigay niyang payo sa pagpapalaki ng anak. Dalawang bagay ang dapat umano isaalang-alang sa pagpapalaki sa mga anak at isa na dito ang pagbibigay hangga’t maaari ng oras, masinsinang pansin at pakikipagsalamuha sa mga anak dahil hindi habang buhay ay mananatiling bata ang mga ito.

Image courtesy: Joross Gamboa/Instagram

Saad nga ng aktor na dapat hindi natin balewalain ang mga bata, kahit gaano kaiksi ang bakanteng oras natin ay kailangan ilaan pa rin natin ito sa kanila dahil sa bilis ng panahon hindi mo namamalayan mga dalaga na at binata ang dating iyong binubuhat at hinihili lamang.

Kung kaya ang mag-asawang Gamboa ay binibigay lahat ng oras na meron sila para sa kanilang dalawang chikiting. Isa pa sa mga bagay na dapat ituro ng mga magulang sa kanilang mga anak ay yung pagiging malapit sa Diyos.

Image courtesy: Joross Gamboa/Instagram

Aniya ng aktor na hindi lang dapat materyal na bagay ang binibigay sa mga anak kundi ang pagmamahal, magandang -ugali at ang magandang pagsasamang ipinapakita nila rito at ang pagkakaroon ng magandang relasyon at matibay na pananalig sa Diyos dahil isa umano ito sa mahalagang bagay na maipapamana ng isang magulang sa kanyang anak.

Image courtesy: Joross Gamboa/Instagram

Ang mga bagay na ito na nabanggit ay kung iyong mapunan ay talaga naman masasabi nating ma- eenjoy ng isang magulang ang pagiging ama at ina nila sa kanilang mga anak at kasabay nito ay mapupunan mo din ang iyong gampanin sa mundong ito na ibinigay ng Panginoon sa atin bawat isa.

Image courtesy: Joross Gamboa/Instagram

Maliban sa mga bagay na nabanggit ni Joross ay tinuturuan din niya ang kanyang mga anak sa mga simpleng gawaing bahay upang maging handa sa kanilang pagtanda at maging maalam sa buhay buhay.

Image courtesy: Katz Gamboa/Instagram

Para kay Joross at sa kanyang asawa na si Kathy Kimberly Saga na ang pagiging magulang ang isa sa mga pinakamasayang bagay na ating mararanasan habang tayo ay nandito pa sa mundong ibabaw.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *