Vice Ganda, Ipinakita ang kaniyang bagong ipinatayong bahay na may industrial modern look

Sa pinakabagong episode ni Vice Ganda sa kaniyang Youtube channel, ibinahagi nito sa unang pagkakataon na siya ay kasalukuyang nagpapatayo ng bagong bahay sa isang property na kaniyang nabili na mahigit ilang taon na ang nakakalipas.

Image courtesy: Instagram/praybeytbenjamin



Image courtesy: Youtube/ViceGanda

Ayon kay Vice, ang property na ito ay kaniyang binili noon para sa kaniyang pinakamamahal na Lolo subalit simula ng pumanaw ito ay nawalan siya ng gana at nagbalak na siyang ibenta ito sa iba. Sa tulong ng kaniyang mga kaibigan, nakumbinse nila ito na huwag ng ibenta at patayuan na lamang niya ng bagong bahay.

Makalipas ang halos tatlong taon ay makakalipat na sana ito ng bahay subalit dahil sa nangyaring pandemya ay nahinto ang pagpapagawa at hindi ito agad nakalipat sa kaniyang bahay.

Image courtesy: Youtube/ViceGanda

Kaya naman ngayong malapit na siyang tumira sa kaniyang bagong mansion ay nagsagawa ito ng house tour para sa kaniyang mga tagapanood upang maipakita ang bawat sulok ng kaniyang bahay bago pa man ito mapuno ng kaniyang mga kagamitan.

Image courtesy: Youtube/ViceGanda

Simple lamang ang entrada ng kaniyang bagong bahay kung saan hindi mo aakalain na napakalawak pala nito sa loob. Ang tema ng kaniyang bahay ay ‘Industrial modern look’ na may kulay black at dark gray walls na parang metal ang kalalabasan.

Image courtesy: Youtube/ViceGanda

Ang gumawa at nagdisenyo ng bahay ni Vice ay ang mga kaibigan ni Vhong Navarro na siya ring gumawa sa bahay ng aktor. Nasa 1,300 square meters ang lawak ng buong bahay at gawa sa metal ang ibang bahagi nito tulad ng kaniyang main entrance door.

Image courtesy: Youtube/ViceGanda
Image courtesy: Youtube/ViceGanda

Mayroon din itong sariling elevator na kaniyang ipinagawa para sa kaniyang Ina na hirap na sa pag-akyat at paglakad. Metal, glass and stone ang mga materyales na ginamit sa kaniyang bahay at kakaunti lamang ang wood.

Image courtesy: Youtube/ViceGanda



Maging ang kaniyang dining area ay napakalawak na halos benteng katao ang kakasya dito. Habang ang kaniyang kitchen naman ay dalawa, isa para sa kaniyang clean kitchen at isa para sa dirty kitchen kung saan madalas magluto ang kaniyang mga househelpers. Mayroon din itong ‘Dumbwaiter’ o mini elevator para sa mga pagkain. Ito ay kaniyang ipinagawa upang hindi na kinakailangang umakyat ang kaniyang mga helpers para ihatid ang kaniyang pagkain dahil direkta na ito sa kaniyang kwarto.

Image courtesy: Youtube/ViceGanda
Image courtesy: Youtube/ViceGanda
Image courtesy: Youtube/ViceGanda

Isa sa pinakamagandang parte ng kaniyang bahay ay ang Pool area sapagkat kakaiba ang disenyo nito dahil made of glass ang istraktura nito. Mayroon din itong Jacuzzi area para sa kaniyang Ina upang hindi mahirapan mag-swimming at Sauna area para magmukhang mala-spa ang kaniyang bahay.

Image courtesy: Youtube/ViceGanda
Image courtesy: Youtube/ViceGanda
Image courtesy: Youtube/ViceGanda

Ilan lamang sa mga parte ng bahay ang naipakita ni Vice sa kaniyang episode na ito dahil mayroong part 2 ang kaniyang house tour.  Ang susunod na aabangan ng mga tagapanood nito ay ang kaniyang biniling bathtub na humigit kumulang na 800,000 thousand pesos at ang kaniyang napakalaking master’s bedroom.





Leave a Reply

Your email address will not be published.