Ipinakita ni Michelle Madrigal ang kanilang simpleng bahay sa Texas

Ang dating Star Circle Quest member na si Michelle Madrigal ay tuluyan nang nilisan ang industriya upang magkaroon ng pribado at mapayapang buhay sa ibang bansa. Taong 2016 nang magpunta ang aktres sa Texas upang abutin ang kaniyang mga pangarap sa larangan ng Culinary arts at sa bansang ito ay nakilala rin niya ang kaniyang asawa ngayon.

Image courtesy: Instagram/mitch_madrigal



Image courtesy: Instagram/mitch_madrigal

Nabuntis ang aktres at isinilang ang kaniyang first born daughter taong 2017 kung saan dito na rin napagdesisyunan ni Michelle na tuluyan na siyang maninirahan sa Texas kasama ang kaniyang pamilya.

Image courtesy: Instagram/mitch_madrigal
Image courtesy: Instagram/mitch_madrigal

Sa una ay nahirapan ang aktres sapagkat kinailangan niyang mag-apply ng dalawang trabaho para lamang mabayaran ang kaniyang mga living expenses at bills sa Maynila. Hindi rin ito mapalagay sapagkat hindi niya alam kung ano trabaho na kaniyang magugustuhan kaya naman naging struggle ang lahat ng ito para sa aktres.

Subalit  ngayon ay nahanap na niya ang kaniyang sarili at masaya siya sa kaniyang ginagawa lalo na at marami na ang oras nito na makasama ang kaniyang pamilya.

Image courtesy: Instagram/mitch_madrigal

Ang tanging pinagkakaabalahan na ngayon ng aktres ay ang pagiging Female Transformation Coach gamit ang kaniyang Youtube channel na kung saan dito na niya ibinabahagi ang kaniyang maganda at simpleng buhay ngayon.

Image courtesy: Instagram/michelle madrigal

Kaya naman sa unang pagkakataon, ibinahagi nito sa kaniyang mga tagapanood ang kanilang pinaka unang house tour.

Image courtesy: Youtube/michelle madrigal
Image courtesy: Youtube/michelle madrigal

Simple lamang ang kanilang bahay sapagkat tatlo lamang silang nakatira sa bahay na ito. Mayroon lamang itong apat na kwarto, isa para sa Master’s bedroom, Anika’s room, guest room at office room. Hindi rin ganoon kalakihan ang bahay at typical lamang ang itsura nito kumpara sa ibang mga celebrities subalit makikita mo na contented at happy ang aktres sa kaniyang bahay.

Image courtesy: Youtube/michelle madrigal
Image courtesy: Youtube/michelle madrigal

Mayroon din silang garage gym kung saan imbes na gawing parking area ang garage area nila ay naisipan ng aktres na dito na lamang ilalagay ang kanilang gym equipmetns lalo na at madalas mag-workout ang mag asawa araw-araw.

Image courtesy: Youtube/michelle madrigal
Image courtesy: Youtube/michelle madrigal

Hangga’t maaari ay minamaximize ng aktres ang kanilang bahay sapagkat sakto lamang ang laki nito para sa kanilang tatlo. Maging ang kanilang walk-in closet ay maliit lamang at walang sariling closet ang aktres sapagkat kinakailangan nilang mag-share mag-asawa sa walk in closet na ito.

Image courtesy: Youtube/michelle madrigal
Image courtesy: Youtube/michelle madrigal

Ang isang magandang parte ng kanilang bahay ay ang kanilang backyard area na napakalawak kung saan dito nila pina-plano na ipagawa ang kanilang mini-swimming pool ng bahay.

Image courtesy: Youtube/michelle madrigal
Image courtesy: Youtube/michelle madrigal

Kahit na hindi gaanong organize ang bahay ni Michelle at kulang pa ito sa disenyo, masaya niya itong ibinahagi sa kaniyang fans na tila ba para lamang siyang nagkukwento at tila nahihiya pa dahil medyo makalat ang kanilang bahay.

Image courtesy: Instagram/mitch_madrigal

Kahit na simple lamang ng buhay nito kumpara sa pagiging isang aktres noon, makikita sa aktres na masaya siya sa kaniyang ginagawa lalo na at nakukuha niyang maalagaan ng mabuti ang kaniyang anak.





Leave a Reply

Your email address will not be published.